Fuel

Tapyas sa presyo ng gasolina, diesel, kerosene posible sa susunod na linggo

Edd Reyes Sep 6, 2024
52 Views

POSIBLENG magtapyas ang mga oil companies ng presyo ng gasolina, diesel at kerosene sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DoE).

Ayon sa DoE, posibleng mabawasan ng mula P1 hanggang P1.30 kada litro ang presyo ng gasolina at diesel pero nakadepende sa natitirang isang araw na kalakaran ang actual price cut.

Inaasahang matatapyasan din ang presyo ng kerosene ng mula P1.20 hanggang P1.25 kada litro.

Sa panayam kay DoE-Oil Industry Management Bureau (OIMB) Assistant Director Rodela Romero, kabilang sa mga dahilan ng bawas-presyo ng mga produktong petrolyo ang paghina ng demand sa langis ng Estados Unidos at China.

Nakadagdag pa sa dahilan ng napipintong pagtatapyas sa halaga ng langis ang muling pagbubukas ng produksiyon ng langis ng Libya at pagsisimula ng muling pag-export nito.