Rep. Acidre kay VP Sara: Magpaliwanag, wag magwala
Nov 23, 2024
Nangnenok ng motor nasakote
Nov 23, 2024
Calendar
Nagtungo ang mga miyembro ng PCCCI at China embassy sa Brgy. Mayamot, Antipolo, Rizal upang mamahagi ng ayuda para sa mga naapektuhan ng bagyong Enteng. Kuha ni Jon-Jon Reyes
Metro
1K biktima ni Enteng sa Antipolo may relief ayuda mula sa PCCCI, Chininese Embassy
Jon-jon Reyes
Sep 8, 2024
51
Views
NAGPASALAMAT ang 1,000 pamilya na biktima ng bagyong Enteng at habagat sa Brgy. Mayamot, Antipolo, Rizal sa ipinagkaloob na relief goods ng Philippine Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (PCCCI) at Chinese Embassy.
Namahagi ang grupo sa nasabing lugar sa pamumuno nina President Arian Hao, Vincent Chan at mga kasamahan nito na pawang mga negosyante.
Namigay ng tig-5 kilong bigas, isang kahon ng noodles para sa mga nasalanta ng bagyong Enteng ang grupo.
Ayon kay Hao, iyon na ang kanilang pang-limang relief operation. Una silang nagbigay ng ayuda sa nakalipas na bagyong Carina sa Tondo, Mandaluyong at sa Bicol.
Layunin ng kanilang relief operations na ipakita sa mga Pilipino ang kanilang malasakit sa panahon ng kalamidad.
Nangnenok ng motor nasakote
Nov 23, 2024
Binata nalambat sa boga, bala
Nov 23, 2024
Bata, 6, ina patay sa adik
Nov 23, 2024
18-anyos na suspek sa pagnanakaw tiklo
Nov 22, 2024