Calendar
BBM-Sara UniTeam ang magsusulong ng Pilipinas— Remulla
ANG UniTeam nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte ang magsusulong sa Pilipinas tungo sa inaasam na pag-unlad.
Ito ang sinabi ni dating Cavite Rep. Gilbert Remulla na nagsabi na mananalo sina Marcos at Duterte sa kanyang probinsya sa paparating na May 9 elections.
Kung ang hinahanap umano ng tao ay ang uri ng gobyerno na ang nais ay pag-isahin ang bansa at tiyakin na walang maiiwang Pilipino ito na umano ang BBM-Sara UniTeam.
“If the people are looking for a type of governance that is unifying, inclusive and accepting, that wants to move the country forward and not pay attention to try to negate all the negative, then the UniTeam is it,” sabi ni Remulla na isa sa nag-organisa sa mga rally ng UniTeam sa Cavite.
Malinaw umano na ang nais nina Marcos at Duterte ay mapabuti ang kalagayan ng bansa.
“The BBM-Sara combination is something that we can look forward to, to make sure that we don’t wake up in the morning and say that, ‘oh my God, this country is horrible.’ This is the tandem and the leadership that the country needs at this time,” dagdag pa ng dating kongresista.