BBM1

PBBM: Wala pang extradition request US kay Quiboloy

Chona Yu Sep 9, 2024
49 Views

WALA pang extradition request ang Amerika kay Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy.

Sa ambush interview sa Taguig City, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kailangang harapin mun ani Quiboloy ang mga kaso sa Pilipinas.

Nahaharap si Quiboloy sa mga kasong paglabag sa Section 5(b) at Section 10(a) ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

May kaso rin si Quiboloy na non-bailable qualified human trafficking charge under Section 4(a) of Republic Act No. 9208 sa Pasig City court.

“The extradition request is not yet there, besides, the judicial process that Apollo Quiboloy is going to have to go through now locally still have to be done, because what has been done is we have implemented and enforced an arrest warrant that has been issued by the court,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“And therefore, it is now in the court’s hands, wala na sa executive ito. Kami sa executive ang ginawa lang namin ini-implement lang namin ini-enforce lang namin ang order ng court. So, that’s the situation now we will have to look at that but for the moment hindi extradition ang tinitignan natin, ang tinitignan natin, ang tinitignan natin ay ‘yung mga kaso at mga complaint na pinila dito sa Pilipinas at ‘yon muna ang kailangan niyang harapin,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nasasakdal si Quiboloy sa federal grand jury sa US District Court dahil sa sex trafficking by force, fraud and coercion and sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud and coercion; conspiracy; at bulk cash smuggling.

Matatandaang nagsimulang ihain ng Philippine National police ang arrest warrant kay Quiboloy noong Agosto 24.