Quiboloy4 Ang mugshot ni KOJC founder Pastor Apollo Quiboloy na inilabas ng PNP. Source: PNP-PIO

PBMM nilinaw pagsuko ni Quiboloy pinangunahan ng pulis

Chona Yu Sep 9, 2024
72 Views

INAMIN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang tiwala si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy sa Philippine National Police bago nagpadala ng surrender feelers ng 8:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga noong Setyembre 8.

Sa ambush interview sa Taguig City, sinabi ni Pangulong Marcos na ito ang dahilan kung napunta sa kostudiya ng Armed Forces of the Philippines si Quibiloy.

“Pero sabi niya sana may presence ng AFP dahil wala daw siyang tiwala sa pulis. So, fine iyon ang ginawa namin. So, that was around na-decide na namin sabi ko by nine o’clock — I cannot remember the precise time — but by nine o’clock yesterday in the morning, I was able to say, “Sige, ituloy niyo na. Agreed to those – agreed to those — to that scenario.” So, and that was it. So, tuloy-tuloy na ang pag-uusap,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, 3:40 Linggo ng hapon nang lumipad ang C130 mula Manila patungo sa Davao para sunduin si Quiboloy para dalhin sa Manila.

Dalawang linggong naghalughog ang PNP sa compound ng KOJC sa Davao.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na madalas naman na may augmentation ang AFP tuwing may operasyon ang PNP.

“Well, ganyan naman talaga. Madalas naman mangyari ‘yan na may augmentation sa AFP. But let’s be very clear, this was a police-led operation. It was a police operation.

Kung anuman ang involvement ng AFP diyan ay, as I said, augmentation,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sanib puwersa aniya ang PNP at AFP sa intelligence service.