DOH Source: DOH FB page

Worker sa ospital pinaniniwalaang namatay sa TB

Edd Reyes Sep 10, 2024
37 Views

TIGOK na nang matagpuan ang 59-anyos na maintenance worker ng ospital noong Martes sa Caloocan City na nalaman lang ang sinapit ng hanapin ng kanyang kapatid.

Sa ulat ni P/Maj Edsel Ibasco kay Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si alyas Antonio sa clean-up area ng Bermudez Polyclinic Hospital sa 391 Malaria Road, Brgy. 185.

Ayon kay Maj. Ibasco, pumunta ang kapatid ng biktima na si alyas Rodora upang alamin kung bakit hindi umuwi ang kanyang kapatid na hindi rin sumasagot sa kanyang tawag.

Hinanap ni Ricky Fernandez, isa ring maintenance worker, ang biktima hanggang makita niya ang kasamahan na nakasalampak sa clean-up area na wala ng buhay.

Sinabi sa mga pulis ng vice president ng ospital pagamutan na may sakit na tuberculosis ang biktima na posibleng naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Wala ring nakitang signs ng foul play ang pulisya kaya’t nagpasiya ang kanyang malapit na kaanak na hindi na ituloy ng pag-iimbestiga sa kaso.