Posas

2 lalake nangholdap; 1 huli, 1 hinahanting

37 Views

ISANG lalake ang nadakip at isa pa ang hinahunting ng mga kapulisan matapos holdapin umano ang dalawang biktima sa Sitio Kulasisi, Brgy. San Luis, Lungsod ng Antipolo, Rizal.

Kasalukuyang nagpapatrulya ang mga pulis ng Antipolo nang biglang lumapit ang mga biktimang sina John Paul Bonifacio at Elmer Pinesa at inereport ang naganap na panghoholdap.

Mabilis na nagsagawa ng isang operasyon ang mga otoridad at agarang nadakip ang isa sa mga suspek na si alyas Manuelito.

Nakumpiska mula sa arestadong ang dalawang bala na pinaniniwalaang para sa kalibre na 9mm.

Gayunpaman, ang mga nakulimbat ay naitakbo ng nakatakas na suspek.

Ayon sa imbestigasyon, ang mga biktima ay ay sakay ng Yamaha YTX MC na may plate number 387QCP alas-11:30 ng umaga at tumatakbo sa Marcos Highway patungo sa Sitio Kulasisi upang mangolekta ng mga utang mula sa kanilang mga kliyente nang biglang hinarang ng dalawang suspek.

Ang isang suspek na may hawak na bladed weapon ay sapilitang kinuha ang belt bag ng isang biktima,dalawang cellphone, driver’s license, P85,000 na cash, OR/CR ng motor sasakyan, body bag, at mga ID ng Philhealth, SSS at Pag-Ibig.