Calendar
Madrona dumalo sa public hearing sa Senado
B𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝗼 𝗮𝘁 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺
𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗔𝗜𝗥𝗠𝗔𝗡 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺, d𝗶𝗻𝗮𝗹𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗥𝗲𝗽. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗵𝗲𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗻𝗮𝘁𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗦𝘂𝗯𝗰𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗻𝗮 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀𝗶𝘄𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗦𝗲𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗔. 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝗿.
Nabatid kay Madrona na tinalakay sa naturang public hearing ang ilang panukalang batas na inakda nito na naglalayong palakasin at mas lalo pang paunlarin ang Philippine tourism o ang nakahilerang tourism measures na nakabinbin sa Kamara de Representantes.
Sabi ni Madrona na nagkakaisa ang pananaw at opinyon ng mga kongresista at mga senador na kumikilala sa turismo ng Pilipinas bilang “economic driver” ng bansa na naglalayong maisulong ang economic development sa pamamagitan ng napakalaking kita na napupunta sa kaban ng gobyerno mula sa tourism sector.
Pagdidiin ng Romblon congressman na napaka-positibo ang naging talakayan sa ginanap na public hearing bunsod narin ng suportang ibinibigay ng liderato ng Senado sa pangunguna ni Senate President Francis “Chiz” Escudero III na naniniwalang napakalaking potensiyal ang maibibigay ng turismo sa pagsusulong at pagpapaunlad sa ekonomiya ng Pilipinas.
Kabilang sa mga panukalang batas na tinalakay sa Senado ay ang House Bill No. 10634 na inakda ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na ang layunin ay maideklara ang lalawigan ng Pampanga bilang “Culinary Capital of the Philippines”.
Ayon sa mambabatas, mayroon din itong bersiyon mula sa Senado na Senate Bill No. 2790 at 2797 na inakda nina Sens. Imee Marcos at Lito Lapid.
Bukod dito, tinalakay din aniya ang House Bill No. 5598 na inakda ni Rep. Luz Mercado kung saan ang Senate version naman panukalang ito ay ang Senate Bill No. 1854 at 2435 na inakda nina Sens. Imee Marcos at Bong Go na naglalayong ideklara ang Southern Leyte bilang isang Tourism Zone.
Dagdag pa ni Madrona na nakasama din ang panukala ni Tarlac Rep. Jaime Cojuangco na naglalayong ideklara ang Mount Damas at Ubod Falls sa bayan ng San Clemente, Tarlac bilang ecotourism destination.
𝗧𝗼 𝗚𝗼𝗱 𝗯𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗚𝗹𝗼𝗿𝘆