Robles

Journo huli sa ‘Shoplifting’ sa greenhills?

294 Views

KUMALAT sa social media ang insidente kung saan ang journalist na si Raissa Robles, isang kilalang pinklawan supporter at kritiko ni Pangulong Digong Duterte, ay nahuli umano ng shoplifting sa Greenhills Mall noong 2012.

Isang netizen ang nainis sa pagiging biased umano ni Robles sa mga “Pinklawans” kaya’t pinost nito ang insidente sa kaniyang “pag-shoplift” sa isang tindahan na naging viral at usap-usapan sa Twitter at Facebook.

“She was caught in a posh boutique shop somewhere in Greenhills (one of my amiga personally knows the owner of the shop and we have shops in Greenhills din no, so ang news madaling kumalat yan! hahaha!) and her husband only arranged to the owner of the shop not to file charges as an exchange she will undergo a psychiatric evaluation!” ayon sa post ng isang @shawshank sa PinoyExchange.

Isang @benign0, na webmaster ng GetRealPhilippines.com, ang nag-post online.

Ayon naman sa blog ni Inkay Garutay na “Pen is mighty, but the hand is faster”, kaniyang sinulat ang: “A nasty rumor is spreading on the Internet about an incident where Raissa was caught shoplifting at the boutique. The small lady could have ended inside a cell had it not been for her husband, who by the way, is a look-alike of Atty. Aguirre.”

“I remember what my lelang used to tell us that lying is bad. ‘Ang sinunggaling ay kapatid ng magnanakaw.’ You can just imagine how worse it can get if a liar and a shoplifter is rolled into one! Que horror, di ba?” dagdag pa nito.

Pati si Manila Times columnist Bobi Tiglao ay napa-komento sa isang post at tinanong si Robles, “Raissa can you clarify once and for all, were you ever caught shoplifting? @raissawriter”.

Sa post naman ng isang blogger na si MJ Quiambao-Reyes, pinasaringan niya si Robles ng, “Ano na nga yung kapatid ng sinungaling?”

Sa isang article na sinulat ni Rosni Nair na lumabas sa The Hindustan Times, isa sa mga kilalang dyaryo sa India, ang “kleptomania” ay isang impulse control disorder kung saan ang isang taong merong ganitong mental disorder ay may kakulangan sa pagkontrol sa kanilang pag-uugali at emosiyon.

“Kleptomaniacs have tremendous self-loathing and even depression because they are at the mercy of impulses,” ayon kay Mumbai-based psychiatrist Dr. Pavan Sonar na gumamot na ng 30 kaso ng kleptomania.