Leni Robredo

Leni mang-aagaw ng ‘Asawa’

321 Views

DISMAYADO ngayon ang kampo ni Ping Lacson kay Leni Robredo matapos magtagumpay ang ilang grupo sa pinklawan na sulutin umano si vice-presidential bet Tito Sotto para ipareha sa tinaguriang Reyna ng Lugaw sa bansa.

Mismong si Lacson ang nagkumpirma na umaalis na siya bilang chairman ng Partido Reporma, na sinabayan ng paglisan ng spokesman ng naturang partido na si dating Cong. Ashley Acedillo.

“Kawawa naman si Ping. Dahil lang sa pagiging ambisyosa ni Leni, nasira tuloy ang samahan nila sa Reporma,” sabi ng isang local leader ni Lacson na nakabase sa lalawigan ng Cavite.

Nabatid na ang ineendorso ngayon ng Reform Party ay si Leni, ka-tandem naman si Tito Sen.

Sinabi ng isang source na wala nang natitira pang pag-asa para manalo si Lacson sa darating na May 9 national elections kaya sa halip na madamay sa paglubog ng barko ang kandidatura ni Sotto bilang ikalawang pangulo, minabuti nitong itawid nang tuluyan sa partido ng pinklawan ang dating host ng longest noontime show na Eat Bulaga.

Kung matatandaan, paulit-ulit ang mga naglabasang ulat na maraming emisaryo mula sa kampo ni Robredo ang pilit nakikiusap na umatras na lamang si Lacson sa pampanguluhan at hayaang itambal sa biyuda si Tito Sen.

Nauna nang sinabi ni Lacson na hindi siya aatras sa laban bagaman kinumpirma nito ang ginagawang “panliligaw” ng kampo ni Robredo.

Si Alvarez, dating Speaker ng Kamara, ang kasalukuyang national president ng Partido Reporma kung saan ay national chairperson naman ng kanilang partido si Lacson.

Walong buwan pa lamang si Lacson sa Partido Reporma na itinatag ni dating Defense Secretary Renato de Villa.

Simula nang sumabak si Lacson sa pulitika mula sa pagiging matagumpay na PNP chief, palagi itong tumatakbo bilang independent hanggang mahikayat na maging chairman ng naturang partido.

Maraming political observers ang nagsasabing bagama’t malinis, wagas at dalisay ang layunin ni Lacson para sa bayan, nahihila nito pababa ang ratings ni Tito Sen lalo na’t sobrang lakas ngayon ni presidential daughter Inday Sara Duterte na mahigpit na katunggali ng Senate President.

Magka-brod sina Alvarez at Sotto sa Mason (Free Masonry fraternity).

Sinasabing may matinding “galit” umano si Alvarez kay Sara dahil ito ang naging instrumento kaya siya napatalsik bilang speaker ng Kamara noon mismong State of the Nation Address ni Digong nong 2018.

Matatandaang na coup d’etat sa puwesto si Alvarez matapos umanong manipulahin ni Sara ang mga kongresista at ipinalit sa kaniya si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ng mga saksi na ito umano ang ginamit na dahilan ng kampo ni Robredo para naman sulutin umano si Sotto.

“Grabe talaga ang pulitika. Ang dudumi nila. Ngayong sinulot nina Leni si Senator Ping, parang naalala ko tuloy iyong isyu sa kanya na mang-aagaw ng asawa,” sabi naman ng isang kaibigan ni Lacson.

Bukod kay Sotto, may isang grupo naman ang nagsusulong para sa tambalang Leni Robredo at Inday Sara Duterte.

Nagbigay na ng pahayag si Duterte na si Bongbong Marcos lamang ang nag-iisang ka-tandem nito, ngunit si Robredo ay tahimik lamang sa naturang isyu na animo’y pumapabor umano na maging “political poacher” sa kahit kaninong kampo.