Kulong

2 kabataang kelot arestado sa sex crime

Edd Reyes Sep 14, 2024
35 Views

DALAWANG kabataang lalaki na parehong may kasong may kaugnayan sa panggagahasa ang nasukol ng pulisya noong Biyernes sa Pasay at Makati.

Dakong alas-6:00 ng gabi nang masakote ng mga tauhan ni Pasay police chief P/Col. Samuel Pabonita si alyas Toby, 19, bunga ng kinakaharap na mga kasong tig-dalawang counts ng sexual assault at statutory rape.

Natunton siya sa Brgy. 197 ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) makaraang magtago nang maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya si Pasay City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Christian Pascual Castaneda ng Branch 109.

Sinabi ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Leon Victor Rosete na nahuli rin si alyas Russel na may kinakaharap na kasong rape.

Natunton ang akusado sa kanto ng Araro at Casino Sts. sa Brgy. Palanan, dakong alas-12:15 ng tanghali noong Biyernes matapos ang mahigit dalawang buwang pagtatago.

Nakakulong sa custodial facilities at Pasay at Makati Police Stations habang hinihintay pa ang commitment order ng hukuman para sa paglilipat sa kanila sa pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).