Lopez NMC spokesman Vice Admiral Alexander Lopez,

NMC nilinaw: Hindi isinusuko ng PHs sa China ang Escoda Shoal

Chona Yu Sep 16, 2024
47 Views

HINDI isinusuko ng Pilipinas sa China ang Escoda Shoal.

Ito ang paglilinaw ng National Maritime Council (NMC) sa pagpapauwi sa BRP Teresa Magbanua mula Escoda Shoal patungo sa Port of Puerto Princesa sa Palawan.

Ayon kay NMC spokesman Vice Admiral Alexander Lopez, hindi “withdrawal” ang pag-alis ng BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal.

Idinagdag ni Lopez na hindi rin ito ang napagkasunduan sa Bilateral Consultation Mechanism ng Pilipinas at China na ginanap sa Beijing kamakailan.

Sa katunayan, nagmatigas ang Department of Foreign Affairs sa naturang meeting at nanindigang mananatili ang presensya ng Pilipinas sa Escoda Shoal.

Paliwanag ni Lopez, “humanitarian” ang pangunahing rason ng pagbalik ng BRP Teresa Magbanua sa Palawan dahil mayroong mga tripulante nito ang nagkasakit.

Idinagdag ni Lopez na mayroon na rin namang utos ang Philippine Coast Guard na magpadala ng kapalit na barko sa Escoda Shoal.

“Ang directive ni Pangulong Marcos i-maintain natin yung ating presence. Kapag sinabing presence, strategic presence iyon. Hindi lang physical presence.

I just want to clear that kapag sinabi natin presence, magpapadala lang ng isang barko, sinabi ko nga kanina napakalaki ng lugar,” pahayag ni Lopez.

“Meron naman (Philippine Air Force) that is part of modalities natin kung paano we can come up with our maritime domain awareness, meaning a good picture of the West Philippine Sea. The whole West Philippine Sea for that matter,” pahayag ni Lopez.

Walang dapat ikabahala ang publiko sa pag-alis ng barko sa lugar. “Hindi naman in a sense na concern. Kasi ang iniisip natin dahil umalis iyon give up na natin.

Hindi. Mali iyong ganoon pananaw. Wala tayong gini-give up. Kahit umalis iyong Teresa Magbanua doon, it did not diminish our presence there dahil may ibang paraan para i-monitor, i-cover yung area,” pahayag ni Lopez.