Magsino1

Magsino binusisi pag-offload ng BI sa flights ng mga pasahero

Mar Rodriguez Sep 17, 2024
64 Views

𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗜𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁 𝗱𝗲𝗹𝗶𝗯𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝗻𝘁𝗲𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗽𝗿𝗼𝗽𝗼𝘀𝗲𝗱 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗯𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁 b𝗶𝗻𝘂𝘀𝗶𝘀𝗶 𝗻𝗴 𝗵𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗻𝗶 𝗢𝗙𝗪 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗥𝗲𝗽. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘀𝘀𝗮 “𝗗𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿” 𝗣. 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗶𝗻𝗼 𝘀𝗮 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗝𝘂𝘀𝘁𝗶𝗰𝗲 (𝗗𝗢𝗝) 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘁𝗮𝘁𝘂𝘀 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝘆𝘂 𝗻𝗴 “𝗽𝗮𝗴-𝗼𝗳𝗳𝗹𝗼𝗮𝗱 𝗼 𝗽𝗮𝗴-𝗱𝗲𝗳𝗲𝗿” 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 𝗼𝗳 𝗜𝗺𝗺𝗶𝗴𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗕𝗜) 𝘀𝗮 𝗳𝗹𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝘀𝗮𝗵𝗲𝗿𝗼 𝗽𝗮𝗿𝘁𝗶𝗸𝘂𝗸𝗮𝗿 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗢𝘃𝗲𝗿𝘀𝗲𝗮𝘀 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀 (𝗢𝗙𝗪𝘀).

Humarap ang DOJ sa Plenary debate para sa nasabing budget deliberation kung saan ang BI ay nasa ilalim ng kapangyarihan nito kaya inusisa ni Magsino sa Justice Department kasalukuyang lagay ng Joint Memorandum Circular No. 2024-001 o ang “Guidelines for Reimbursing the Travel Expence of Filipino Passengers Whose Travel was Defered by the Bureau of Immigration (BI)”.

Sa kaniyang interpellation sa Plenaryo ng Kamara de Representantes iminungkahi rin ni Magsino sa Immigration Department na maging maingat sila sa pag-offload o pag-defer ng flights ng mga Filipino outbound passengers lalo na ang mga OFWs na pinaghihinalaan ng BI na mayroong maling gawain o pagkakasangkot sa mga kriminal activities.

Bukod dito, nais din ng kongresista na magkaroon ng polisiya patungkol sa pagre-reimburse ng mga travel expences ng mga pasaherong naapektuhan ng nangyaring pag-defer ng kanilang flights ng walang court order o kaya naman ay sapat na batayan.

Ayon pa kay Magsino, noong 2022 ay nasa 32,404 ang mga pasaherong na-offload subalit isang porsiyento lamang nito ang kumpirmadong biktima o sangkot sa human trafficking.