Calendar
Valeriano lalong lumakas duda sa OVP fund dahil walang paper rail
𝗟𝗔𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗥𝗲𝗽. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗸𝗼𝗻𝘁𝗿𝗼𝗯𝗲𝗿𝘀𝗶𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗯𝗮𝗱𝘆𝗲𝘁 𝗻𝗴 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 (𝗢𝗩𝗣) 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗶𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗶𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗼 𝗻𝗮𝗶𝗽𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴 “𝗽𝗮𝗽𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗲𝗹𝗲𝗰𝘁𝗿𝗼𝗻𝗶𝗰 𝘁𝗿𝗮𝗶𝗹” 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗜𝗻𝗱𝗮𝘆 𝗦𝗮𝗿𝗮 𝗗𝘂𝘁𝗲𝗿𝘁𝗲 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗽𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘀𝘁𝗼𝘀 𝗮𝘁 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗼-𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗸𝗮𝗴𝗮𝘀𝘁𝘂𝘀𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗹𝘆𝗼𝗻-𝗽𝗶𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗼𝗻𝗱𝗼 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗱𝗶-𝘂𝗺𝗮𝗻𝗼’𝘆 𝘀𝗼𝗰𝗶𝗼-𝗲𝗰𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝗰 𝗽𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺𝘀 𝗻𝗴 𝗢𝗩𝗣.
Ito ang nilalaman ng opening statement ni Valeriano sa pagsisimula ng masusing pagsisiyasat ng House Committee on Government and Public Accountability na pinamumunuan ni Manila 1st Dist. Rep. Joel R. Chua patungkol sa kinu-kuwestiyon at kaduda-dudang budget ng OVP na nakapaloob sa privilege speech ni Valeriano noong nakaraang September 3.
“We have not seen any paper trail or electronic trail that would serve as evidence of benefeciaries and partnership agreements,” sabi ni Valeriano sa kaniyang opening statement.
Binatikos din ni Valeriano si VP Sara dahil sa patuloy na pagmamatigas nitong sagutin ang mga katanungan hinggil sa 2025 proposed national budget ng OVP kasama na dito ang pagkuwestiyon ng mga kapwa nito kongresista tungkol naman sa nakakabahalang audit report na inilabas ng Commission on Audit tungkol sa mga kuwestiyonableng pinagkagastusan ng OVP.
“Her claim of leaving it to the House to do what it thinks is right is just a palusot and a smokescreen,” pahayag pa ni Valeriano.
Kasabay nito, kinuwestiyon din ng kongresista ang ibinigay na pahayag ng OVP na dalawang milyong benepisyaryo ang binahaginan nito ng tulong sa Metro Manila.
Binigyang diin ni Valeriano na kung ito ay totoo dapat aniya ay mayroong partisipasyon dito ang Local Government Unit (LGUs) kasama na ang district representative ng Metro Manila sapagkat ang ganitong malawakang programa ay kinakailangan ng koordinasyon sa LGUs at kinatawan ng isang partikular na distrito.
“Kung totoong may beneficiaries. Imposibleng hindi mabalitaan yan ng sinomang district congressman sa Metro Manila lalo na at tinatayang dalawang milyong benefeciaries daw ang nakinabang sa loob ng dalawa’t kalahating taon at halaga ng pondo ay halos four billion pesos para sa 2022, 2023 at 2024,” dagdag pa ng mambabatas.
𝗧𝗼 𝗚𝗼𝗱 𝗯𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗚𝗹𝗼𝗿𝘆