Calendar
OVP fund walang proof kung paano ginastos
Lalong lumakas ๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ ๐ป๐ถ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐. ๐ฅ๐ฒ๐ฝ. ๐ฅ๐ผ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ “๐๐ฅ๐ฉ” ๐ . ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐น ๐๐ฎ ๐ธ๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ผ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ฑ๐๐ฒ๐ ๐ป๐ด ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ (๐ข๐ฉ๐ฃ) ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ถ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ผ ๐ป๐ฎ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด “๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ ๐ฒ๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ผ๐ป๐ถ๐ฐ ๐๐ฟ๐ฎ๐ถ๐น” ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ฏ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ ๐ธ๐๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ ๐ธ๐๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ผ-๐ฎ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐น๐๐ผ๐ป-๐ฝ๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ผ๐ป๐ฑ๐ผ ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฑ๐ถ๐๐บ๐ฎ๐ป๐ผ’๐ ๐๐ผ๐ฐ๐ถ๐ผ-๐ฒ๐ฐ๐ผ๐ป๐ผ๐บ๐ถ๐ฐ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ๐ ๐ป๐ด ๐ข๐ฉ๐ฃ.
Ito ang nilalaman ng opening statement ni Valeriano sa pagsisimula ng masusing pagsisiyasat ng House committee on government and public accountability na pinamumunuan ni Manila 1st District Rep. Joel R. Chua, patungkol sa kinukuwestiyon at kaduda-dudang budget ng OVP na nakapaloob sa privilege speech ni Valeriano noong Setyembre 3.
“We have not seen any paper trail or electronic trail that would serve as evidence of beneficiaries and partnership agreements,” sabi ni Valeriano sa kaniyang opening statement.
Binatikos din ni Valeriano si VP Sara dahil sa patuloy na pagmamatigas nitong sagutin ang mga katanungan hinggil sa 2025 proposed national budget ng OVP.
Kasama na rito ang pagkuwestiyon ng mga kapwa nito kongresista tungkol naman sa nakababahalang audit report na inilabas ng Commission on Audit (COA) tungkol sa mga kuwestiyonableng pinagkagastusan ng OVP.
“Her claim of leaving it to the House to do what it thinks is right is just a palusot and a smokescreen,” pahayag pa ni Valeriano.
Kasabay nito, kinuwestiyon din ng kongresista ang ibinigay na pahayag ng OVP na dalawang milyong benepisyaryo ang binahaginan nito ng tulong sa Metro Manila.
Binigyang diin ni Valeriano na kung ito ay totoo dapat aniya ay mayroong partisipasyon dito ang mga local government unit (LGU) kasama na ang district representative ng Metro Manila, sapagkat ang ganitong malawakang programa ay kinakailangan ng koordinasyon sa mga LGU at kinatawan ng isang partikular na distrito.
“Kung totoong may beneficiaries, imposibleng hindi mabalitaan โyan ng sinomang district congressman sa Metro Manila lalo na at tinatayang dalawang milyong beneficiaries daw ang nakinabang sa loob ng dalawa’t kalahating taon at halaga ng pondo ay halos four billion pesos para sa 2022, 2023 at 2024,” dagdag pa ng mambabatas.