Calendar
Cong. Onyx Crisologo liyamado vs Arjo Atayde sa pagka-kongresista
KUNG ihahalintulad sa isang “manok na panabong” si re-electionist Quezon City Rep. Anthony Peter “Onyx” Crisologo. Nananatiling “kumikikig” ang kandidatura nito o liyamado para sa ikalawang termino bilang kinatawan ng Distrito Uno laban kay “Ang Probinsiyano” star at artistang si Arjo Atayde.
Ito ang resulta ng pinaka-huling “Monthly Tracking Survey” na isinagawa ng “The Issues and Advocacy Center” mula Marso 7 hanggang Marso 13 para sa puwesto ng congressional representative ng District One na pinag-aagawan nina Crisologo at Atayde.
Sa nasabing survey, liyamado si Crisologo laban sa katunggali nito. Matapos siyang makakuha ng napakataas na 54% rating bilang “voter’s preference”. Samantalang ang karibal naman nito ay nakasungkit lamang ng 20% rating bilang “voter’s preference”.
Si Crisologo ay tumatakbo sa ilalim ng “Malayang Quezon City Team” kung saan, si Mayoralty candidate at AnaKalusugan Party List Rep. Michael “Mike” T. Defensor ang kanilang ikinakampanya laban naman kay incumbent QC Mayor Josefina “Joy” Belmonte.
Ang “Malayang Quezon City Team” na kinabibilangan nina Crisologo at Defensor ay nasa ilalim naman ng Uniteam Coalition nina Presidential candicate at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. katamdem si Davao City Mayor Sarrah Duterte para sa Pangalawang Pangulo.
Ipinaliwanag ni Crisologo na ang naging resulta umano ng isinagawang survey ay repleksiyon lamang ng buong pagtitiwala sa kaniya ng mga taga Distrito Uno dahil sa mga proyektong inilunsad nito para sa kagalingan ng mga residente dito.
Naniniwala ang kongresista na sa kaniyang ikalawang termino ay muli siyang pagkakatiwalaan ng mga taga Distrito Uno.