Barbers

Barbers: Mga opisyal ng gobyerno na nasa likod ng iligal na POGO huhubaran ng maskara

60 Views

HUHUBARAN ng maskara at pananagutin ang mga opisyal ng gobyerno na nasa likod ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na sangkot sa drug smuggling, human trafficking, at money laundering.

Ito ang sinabi ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, ang overall chairman ng quad committee na nag-iimbestiga sa koneksyon ng POGO sa bentahan ng iligal na droga, at extrajudicial killings noong Duterte war on drugs.

“Di alintana ang kapahamakang idudulot sa bayan, itong mga traydor na ito ay hinayaang yumabong at lumaki ang impluwensya at kapangyarihan ng mga sindikatong ito, basta lamang mapuno ang mga bulsa ng kayamanang kapalit ng dangal ng bayan,” ani Barbers.

Sinabi ni Barbers na sa mga naunang pagdinig ng komite ay nabulgar na ang POGO ay ginagamit para sa mga kriminal na gawain.

Ayon kay Barbers ginamit ang pera mula sa iligal na droga upang bayaran at mapaikutan ang sistema ng gobyerno para makakuha ang mga Chinese ng mga dokumento na magagamit upang palabasin na sila ay Pilipino para maitayo ang mga POGO hub at makabili ng mga ari-arian na para lamang sa mga Pilipino.

“Lahat po ito ay nangyari sapagkat nakipagsabwatan sa kanila ang mga kawani ng gobyerno. Kapalit ang salapi, pumayag at hinayaan ng mga kawani at matataas na opisyal ng gobyerno na sila ay magamit bilang mga protektor, kinatawan, at mistulang nag-abogado para sa mga POGO na ito,” punto ni Barbers.

Bukod sa pagbulgar sa mga nagsabwatan, sinabi ni Barbers na gagawa rin ang komite ng panukalang batas para hindi na maulit ang mga nangyari.

Kasama umano sa mga panukalang batas na ito ang Racketeer Influenced and Corrupt Organizations (RICO) Act ng Amerika, amyenda sa Anti-Dummy Law, at pagrepaso sa Special Investors Resident Visa Program.

“As we get more valuable information, Quad Comm has been getting dicrediting remarks, proof that the targets are hurting. Let me take this opportunity therefore to remind everyone that the power to conduct investigations in aid of legislation is a fundamental function of Congress, enshrined in Article VI, Section 21 of the Constitution,” ani ni Barbers.

Dagdag pa nito:“This is not a mere privilege but a duty to the Filipino people. Congress is empowered to investigate, to compel testimony, and to demand documents when it is necessary to fulfill our legislative mandate. These inquiries are designed to shed light on matters of public interest, to recommend policy reforms, and, ultimately, to legislate for the welfare of the nation.”

Muli ring iginiit ni Barbers ang pagsunod ng komite sa proseso.

“The people of this country deserve nothing less than the truth. And let me assure you, this Committee will not be swayed by threats or distractions,” Barbers said. “Our mission is to uncover the facts and to ensure that those responsible for any wrongdoing are held accountable. Together, we will continue this fight until we finally get to the bottom of these issues,” dagdag pa ni Barbers.