Chavez PCO Secretary Cesar Chavez

‘Polvoron’ video peke

Chona Yu Sep 21, 2024
119 Views

PEKE ang kumalat na video na sumisinghot umano ng ilegal na droga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Hulyo.

Ito ang na pinatunayan ng mga eksperto sa digital media at artificial intelligence (AI).

Ayon sa AI experts mula sa Deepfakes Analysis Unit (DAU) na isang India- based Misinformation Combat Alliance, ang video na kumalat bago ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Marcos ay malawakang minanipula para magmukha na si Marcos ang nasa video.

Ang resulta ng DAU ay binirepeka din ng Vera Files na isang independent social media unit at isa sa nangungunang fact-checkers sa bansa.

Dahil dito , ayon kay Presidential Communications (PCO) Secretary Cesar Chavez, na vindicated na si Pangulong Marcos mula sa mga malisyosong indibidwal na nagnanais na siraan at maging ang kanyang pagkatao.

Ang naturang video ay pinadala aniya sa India based misinformation advocate kaya nadiskubre ang mga bakas ng malawak na manipulasyon sa sinasabing “polvoron video.”

Sa pamamagitan aniya ng paggamit ng tinatawag na SensityAI , nadiskubre ng DAU na ang “polvoron video” ay malisyoso at nagpapakita ng senyales ng manipulasyon na tinawag na “face swap” .

Gamit pa rin ang tool na tinatawag na HIVE , nadiskubre rin manipulasyon sa run time sa video kung saan ang “no deepfake” at ang deepfake manipulation ay nag overlapped.

Matatandaan na itinanggi na noong Hulyo ng 23 ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na tunay ang naturang video.