Baboy Source: FB

Karneng baboy posibleng tumaas ang presyo sa Pasko

Chona Yu Sep 24, 2024
67 Views

HINDI isinasantabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. ang posibilidad na tumaas ang presyo ng baboy sa panahon ng Pasko.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Laurel na karaniwan kasing tumataas ang demand ng karneng baboy tuwing Pasko.

Gayunman, sinabi ni Laurel na hindi naman malaki ang itataas sa presyo ng karneng baboy.

“But of course, demand in December is usually double, mataas. So, baka tumaas ng kaunti, pero hindi naman siguro significant,” pahayag ni Laurel.

Paliwanag ni Laurel, habang wapa pa ang bakuna sa African Swine Fever para sa baboy, kinakatay na ngayon ng mga hog raisers ang alagang baboy.

“Well, what is happening sa ASF, actually ang mga magbababboy, habang wala pa iyong vaccine gusto nilang magbenta at magkatay. So, we expect na hindi tataas ang presyo ng baboy. Although, ang demand ay [mataas] masyado sa Pasko dahil tuluy-tuloy pa ang pag-grow at gusto nilang katayin na kaagad iyong baboy para ma-lessen iyong risk nila,” pahayag ni Laurel.

Umaasa si laurel na makukumpleto na ng DA ang pagbili ng 600,000 na bakuna kontra ASF sa Disyembre ngayong taon.

“Hopefully, everything will be implemented on schedule and sana next year, puro repopulating na lang tayo at tuluy-tuloy na iyong paglaki, babalik iyong population ng ating baboy to about 14 million heads; ngayon nasa 7.5 million heads lang ang baboy na estimate natin,” pahayag ni Laurel.