Ria

Ria tutok sa baby muna bago tutok sa trabaho

Aster A Amoyo Sep 27, 2024
7 Views

TUTUTUKAN muna ni Ria Atayde ang pag-aalaga sa newly-born baby nila (na hindi pa sini-share ang pangalan) ng kanyang mister na si Zanjoe Marudo bago nito harapin ang kanyang trabaho bilang isa sa mga top executives ng Atayde-owned production company, ang Nathan Studios.

Ang latest project ng kumpanya ay ang nalalapit na first major concert ni Juan Karlos `JK’ Jabajo na gaganapin sa SM MOA Arena sa buwan ng November.

Hindi ikinakaila ng award-winning actress-producer na si Sylvia Sanchez na matagal umano niyang `niligawan’ ang singer-songwriter, musician at actor na si JK bago niya ito napapayag to topbill in his own major concert at umabot umano ito ng halos tatlong taon. But the long wait paid off dahil kay Sylvia pumayag si JK to produce his first major concert.

Aminado ang actress-producer na si Sylvia na marami umanong concert producer ang nag-attempt na kunin ang serbisyo ni JK for a concert pero hindi umano ito pumayag dahil wala pa itong kumpyansa sa sarili na kaya na niyang magdala ng isang concert in a big venue tulad ng SM MOA Arena.

Ayon na rin kay Sylvia, nung kasikatan pa lamang ng “Buwan” ni JK ay gustong-gusto na umano ng kanilang pamilya ang singer-songwriter at actor laluna na ang actor-politician na si Arjo.

Ang nalalapit na first major solo concert ni JK ay first concert production din ng Nathan Studios na kilala na sa pagpu-produce ng TV series at pelikulang pinagbibidahan mismo ni Arjo.

Anthony desididong tapusin pag-aaral

ANG 23-year-old Filipino-British no-read no- write actor na si Anthony Jennings ang inaasahang mag-aahon sa kanyang pamilya sa kahirapan ngayong kumikita na ito at may pangalan na.

Kahit si Anthony mismo ay hindi inaasahang mabibigyan siya ng magandang break ng ABS-CBN’s Star Magic nang siya’y maging bahagi ng Star Magic Circle in 2019 alongside with Belle Mariano, Daniela Shamer at iba pa.

First acting project ni Anthony ang TV series na “The House Arrest of Us” na pinagbidahan ng dating magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at unang pelikula naman niya ang mega hit movie na “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn at Alden Richards nung 2019. Naging bahagi rin siya ng ilan pang TV series tulad ng “Unbreakable,” “The Iron Heart” pero tumatak siya nang husto sa unang serye nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, ang “Can’t Buy Me Love” na pinamahalaan ni Mae Cruz-Alviar na nagsimula nung October 16, 2023 at nagtapos nung nakaraang May 2024. Ito’y umabot ng 7 months sa ere. Sa nasabing serye ay gumanap siya sa papel na Snoop ang best friend ng character ni Donny na si Benjo at Andrei. Sa nasabing serye naman nabuo ang loveteam nila ni Maris Racal who played the role of Irene, ang spoiled brat sister ng papel na ginampanan ni Belle.

Dahil sa direksyon ng ABS-CBN at Star Magic na tutukan ang tambalan nina Maris at Anthony, ito ang itinuturong dahilan kung bakit nakipagkalas ang singer-actress sa kanyang longtime boyfriend, ang sikat na singer-songwiter, record producer, musician at entrepreneur at dating frontman ng grupong Rivermaya na si Rico Blanco (52).

Sunud-sunod ang mga proyekto ngayon nina Maris at Anthony at kasama na rito ang pelikula, TV series at product endorsements.

Samantala, desidido si Anthony na tapusin ang kanyang pag-aaral sa elementary, high school hanggang umabot siya sa kolehiyo dahil alam niya ang kahalagahan ng edukasyon.

Hindi rin natapos ng singer-songwriter, actress at celebrity endorser na si Maris ang kanyang pag-aaral ng Medical Technology sa Trinity University of Asia dahil sa kanyang busy schedule.

Ang tambalan nina Maris at Anthony ay isa ngayon sa maituturing na fresh tandem sa bakuran ng ABS-CBN at may sarili na ring legion of fans.

Billy nag-sorry dahil di nakapagpaalam sa yumaong ama

VERY meaningful ang mensahe ng Filipino-Amerrican singer, actor and host na si Billy Crawford sa paglisan ng kanyang mahal na ama, ang American na si Jack Crawford.

It was last Sunday, September 22, 2024 nang mag-post si Billy sa kanyang FB account:

“I’m sorry, Dad. I wasn’t there to say goodbye, give a last hug, or tell you how much I love you. You’ll always be in my heart. Thank you for being the greatest dad I could ever have! May you finally rest and forever be happy in the arms of Our Lord, Jesus Christ. I’ll truly miss you, my main man!”

Love, your son,

Billy Crawford”

Ang ikinatutuwa lamang ni Billy ay inabutan at masayang nakalaro pa ng kanyang ama ang first child nila ng wife niyang si Coleen Garcia na si Amari.

Ang parents ni Billy ay nakabase sa Abilene, Texas, USA bago pumanaw ang kanyang ama.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.