Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Motor

Motorsiklo vs motorsiklo sa Rizal; rider patay

170 Views

PATAY ang rider at sugatan ang back rider noong Huwebes ng masalpok ang kanilang motorsiklo ng isa pang motorsiklo sa Marilaque highway sa Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal.

Bandang alas-8:10 ng umaga tumatakbo ang dalawang motorsiklo patungo sa Sta. Maria, Laguna ng mangyari ang insidente, ayon sa pulisya.

Patay ang rider ng Kymco AK550 (544 UPW) at sugatan ang angkas na si Jeana Orbeta Bayta, 43, nang mabangga ang white Yamaha Mio i125 na minamaneho ni alyas Philip.

Sumemplang ang motor pagkatapos bumangga, ayon sa report.

Dinala sa Army Station Hospital sa 2ID Camp Capinpin, Tanay, Rizal ang mga sakay ng Kymco motorcycle ngunit idineklarang patay na ang rider ng dumating sa ospital.