Liza Dumalo si First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos sa pagtatanghal para sa imahen ng Nuestra Señora de la Consolación y Correa sa Intramuros.

Bagong patroness Nuestra Señora de la Consolación y Correa ipinagdiwang ng Intramuros

Jon-jon Reyes Sep 28, 2024
86 Views

IPINAGDIWANG ang pagkaka-proklama sa Nuestra Señora de la Consolación y Correa bilang bagong patroness ng Intramuros sa Casa Blanca noong Biyernes.

Ipinagdiwang ang bagong patroness sa harap ni First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos.

Kinikilala ng Konseho ng Maynila ang imahen bilang bagong patroness at binigyang-diin ng pagdiriwang na ito ang malalim na relihiyon at kultura ng Maynila.

Binigyang-diin ni Department of Tourism (DOT) Undersecretary Maria Rica Bueno na ang DOT ay nakatuon sa pagbuo ng isang industriya ng turismo na hindi lamang matibay sa ekonomiya ngunit malalim din ang ugat sa yaman ng kultura at pamana ng bansa.

“Mula sa Sinulog sa Cebu hanggang sa Ati-atihan sa Aklan at ang mga Pahiyas sa Lucban, ang mga pagdiriwang na ito nalampasan lamang ang mga ekspresyong pangkultura,” sabi ng opisyal.

“Sa pamamagitan ng mga masiglang pagdiriwang na ito sinasabi natin sa mundo kung sino tayo. Ang mga pagdiriwang na ito, kabilang sa napakaraming dahilan, ang ipinagmamalaki naming iniaalok bilang bahagi kung bakit dapat mahalin ng mundo ang Pilipinas,” dagdag ng undersecretary.

Nagtatanghal ng mga katutubong awiting Pilipino sa event na nagdiriwang ng kultural na pamana ng Pilipinas.

Inawit din ang mga classic Spanish songs gaya ng Hasta La Eternidad, Eres Tú at Besame Mucho.

Dumalo sa okasyon sina Spanish Ambassador to the Philippines Miguel Utray Delgado, Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor John Marvin Nieto, Fr. Edwin Hari na rector ng Archdiocesan Shrine of Our Lady of Consolation, Intramuros Administration Administrator Atty. Joan M. Padilla, DOT Assistant Secretary Sharlene Zabala-Batin at DOT National Capital Region Assistant Regional Director Catherine Agustin.