QCPD

Naagnas nang magpinsang elderly natagpuan sa loob ng bahay sa QC

64 Views

NADISKUBRE ang naagnas na bangkay ng magpinsang senior citizen dahil sa umaalingasaw na amoy na nanggagaling sa loob ng kanilang tahanan sa Novaliches Quezon City nitong Sabado ng madaling araw.

Ayon kay P/Lt. Col Morgan Aguilar, hepe ng Novaliches Police Station 4 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 3:00 ng madaling araw (September 28) nang matagpuan ang naaagnas na bangkay ng mga biktima na sina Elpidio Aguillon Agduyeng, 71, at Imelda Barcase, nasa edad 60-65, sa loob ng kanilang tahanan sa Blk 10 Lot 10 Espoleto St., Saint Francis Village, Barangay San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Batay sa imbeestigasyon ni PCpl Jordan A Barbado ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, nakaamoy umano ang mga kapitbahay ng masansang na amoy na nagmumula sa tahanan ng magpinsang senior.

Dahil dito, nagpasyang puntahan ni Sigfrid Galez Amante, pesidente ng Homeowner’s Association ng village, kasama ang mga pulis ang bahay ng magpinsan.

Doon ay nadiskubre ang bangkay ni Barcase sa loob ng cabinet na nasa ilalim ng lababo habang ang pinsan na si Agduyeng ay nakahandusay sa sahig ng banyo.

Dumating ang SOCO team mula sa QCPD Forensic Unit sa pangunguna ni P/Captain Darrel Rey Ebol at sa kanilang pagsusuri ay nasa stage na ng decomposition ang mga bangkay ng biktima.

Sinabi naman ni Aguilar, noong Lunes ng huling makitang buhay ang mga biktima at may iniimbestigahan na silang person of interest dahil wala umano silang nakitang force of entry sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.