Calendar
BBM Steady sa 61% – Laylo survey
NANATILING malaki ang kalamangan ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., sa nakuha nitong 61% ‘voters’preference ratings,’ na may nakalululang 42% na agwat mula sa pumapangalawang si Leni Robredo na may 19% lang.
Pinaka-latest ito na resultang inilabas ng Laylo Research na ginawa ang ‘fieldwork research’ nito lamang March 15 to 22, taong kasalukuyan.
Pumangatlo kay Robredo si Isko Moreno sa nakuhang 9%, kasunod si Manny Pacquiao sa 6%, Ping Lacson sa 2% at ang ‘undecided’ ay 2%.
Bukod sa kabuuang lamang sa mga katunggali, si Marcos din ang nanguna sa ‘preferential survey’ sa lahat ng mga rehiyon kung saan ay Solid North ang nakapagtala ng pinakamataas na ‘voters’ preference rating tulad ng 86% sa Ilocos Region (Region 1), 86% sa Cordillera Autonomous Region, 84% sa Cagayan Valley (Region 2), at 62% in Central Luzon (Region 3).
Nakapagtala rin ng malaking kalamangan ang standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa buong Mindanao kumpara sa mga kapwa niya presidentiable.
Sa Davao Region (Region 11) at Caraga (Region 13) ay nakakuha si Marcos ng tig-80% each, sa Socksargen (Region 12) ay 67%, sa Zamboanga Peninsula (Region 9) ay 66%, BARMM ay 63%, at Northern Mindanao (Region 10) ay 55%.
Ang pagiging ‘runaway leader,’ base sa demographics ng Laylo Research ay nakapagtala rin si Marcos ng malaking kalamangan sa lahat ng ‘socio economic class’ ng ating mga kababayan.
Narehistro ang 58% voters’ preference sa Classes ABC, 62% sa Class D, at 58% sa Class E.
Sa ‘terms of trust ratings’ ng mga kandidato sa pagkapangulo, impresibo rin ang nakuhang numero ni Marcos na may +53, nakasunod si Isko +16, si Leni ay may negatibong marka na -9, Lacson ay -11, at -23 para kay Pacquiao.
Sa naging tanong ng Laylo sa kanilang mga respondents sa survey na sino ba sa mga kandiddato sa pampanguluhan ngayon ang makapagpapatuloy ng mga mabubuting nagawa sa bayan ng Pangulong Duterte, si Marcos ay nakakuha ng 65%.
Malayong nakasunod sa kanya si Robredo sa nakuhang 15%, sina Isko at Pacquiao ay nakakuha ng parehong 6% at si Lacson ay 4%.
May 3,000 respondents sa naturang Laylo survey na may margin of error na plus or minus two percentage points.