Bachmann Sinusubok ni PSC Chairman Richard Bachmann ang larong pana sa 2024 Indigenous Peoples Games – Visayas leg sa Manuel Y. Torres Sports Center sa Bago City Photo courtesy of Arianne Mallare/Radyo Pilipinas Sports 2

Bachmann: IP Games sa Visayas matagumpay

Ed Andaya Oct 4, 2024
197 Views
Bachmann1
Isa sa mga kalahok sa 2024 Indigenous Peoples Games – Visayas leg sa Manuel Y. Torres Sports Center.
Photo courtesy of Arianne Mallare/RP2
Bachmann2
Aksyon sa 2024 Indigenous Peoples Games – Visayas leg sa Manuel Y. Torres Sports Center.
Photo courtesy of Arianne Mallare/RP2
Bachmann3
Aksyon sa 2024 Indigenous Peoples Games – Visayas leg sa Manuel Y. Torres Sports Center.
Photo courtesy of Arianne Mallare/RP2

BAGO City — Tulad ng inaasahan, naging malaking tagumpay ang nakalipas na Visayas leg ng 2024 Indigenous Peoples Games sa Manuel Y. Torres Sports Center kamakailan.

Iniulat ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pangunguna ni Chairman Richard Bachmann, ang kasiya-siyang pagtatapos ng two-day IP event, na itinaguyod din ng National Commission on Indigenous Peoples at Bago City government, sa pamumuno ni Mayor Nicholas Yulo.

Dahil dito, tiniyak ni Bachmann na patuloy na isusulong ng PSC ang mga susunod pang IP Games “as PSC’s way to help promote the interest and well-being of the IPs and their beliefs, customs and traditions.”

Nakipag-pulong din si Bachmann sa mga leaders at elders ng mga IP groups mula sa Visayas.

“This is our way of helping preserve the traditional sports and games of the Indigenous Peoples (IPs), as well as promote peace, unity, and harmony among the 17 participating LGUs,” pahayag pa ni Bachmann

Ang well-known basketball player-turned-top sports official ay umaming nasiyahan sa ipinakitang unity at enthusiasm ng mga IP participants sa 10 events na pinaglabanan.

Nagpasalamat din si Bachmann sa mainit na pag-tanggap ni Mayor Yulo at madaming mga residente ng magandang siyudad ng Bago, na kilala din bilang “Home of Historical and Natural Treasures”.

Samantala, nadomina ng Municipality ng Isabela ang tatlo sa 10 events — Pana (archery), Bayo Gisig at Galing-Mais.

Winalis ni Martin Sangher, Jr. ng Isabela sina Elenita Menabes ng Calatrava at Danrey Surio ng Binalbagan upang masungkit ang unang karangalan sa kumpetisyon sa Pana.

Nagwagi din para sa Isabela sina Lorgie Elud, Gloria Montano, Danny Sinceda, Elezar Arandoque at Richard Elud sa Bayo Gisig event; at Heldyn Ardianosa, Mariel Sangher, Lordie Elud, Richard Elud, at Gloria Montano sa Galing-Mais.

Sa Palosebo, ang Silay City team nina Rachelle Joy Alaya-ay, Lanie Manzate, Richian Magbanua, Jessica Magbanua at Wilma Encabo ang tinanghal na kampeon.

Ang Himamaylan (Glenn Corina-o, Eman Pacheco, Amgel Urusa, Argie Pachero at Renelda Quilantan) ang pumangalawa, habang ang Calatrava (Jennheboy Selendran, Salvador Aredes, Joshua de Asis, Merabel De Asis at Elenita Menabes) ang pumangatlo.

Sa Kadang, ang Binalbagan (Jonavive Pangantihan, Jaehan Estaniel, Gerald Dojilio, Welmark Bolhano, at Jeno Faburado) ay namayani kontra Silay City (Lanie Mondale, Jessica Magbanua, Jake Celeste, Ryan Simbran at Dennis Mondale) at Kabankalan (Charlyn Mie Mucres, Shella Gallo, Elvin Gallasam Rey Belo at Reniel Belinario).

Sa iba pang mga resulta:

Trompo — 1. Vernie Cervantes (Sagay); 2. Racky Martinez (Talisay); 3.Reogelito Quezon (Sipalay).

Bangkan — 1. Josephine Velez (Don Salvador Benedicto); 2. Kimberly Villarin (Cadiz City); 3. Ricca Sumagang (Calatrava).

Fire-making — 1. Rogelio Capoloy (Hinoba-an); 2. Martin Sangher (Isabela) ; 3. Gilbert Morden (Don Salvador Benedicto).

Panit Lubi– 1. Merabel De Asis of Calatrava; 2. Marife Mahinay (Kabankalan); 3. Richian Magbanua (Silay).

Inanunsyo din ni PSC Executive Assistant Lito Cinco, na kumatawan kay PSC Commissioner at IP Games officer-in-charge Matthew “Fritz” Gaston, na aabot 350 athletes mula sa 17 local government units sa Negros Occidental Province a.