Masauding Police Regional Office 9 Director Brig. Gen. Bowenn Joey M. Masauding

HEIGHTENED ALERT ANG WESMIN PNP

Alfred Dalizon Oct 5, 2024
76 Views

NANANATILING nasa heightened alert ang lahat ng puwersa ng pulisya sa Western Mindanao bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa filing ng mga certificate of candidacy (COC) ng mga kandidato sa pambansa at lokal na halalan sa Mayo 12, 2025.

Magpapatuloy ito hanggang Martes sa susunod na linggo, ayon kay Police Regional Office 9 (PRO9) Director, Brigadier General Bowenn Joey M. Masauding, nitong Sabado.

Sinabi ng opisyal na ang mga pinaigting na seguridad ay bahagi rin ng plano upang matiyak ang mapayapa at maayos na pagdiriwang ng Zamboanga Hermosa Festival.

Iniutos ni Masauding sa lahat ng opisina, yunit at himpilan ng PRO9 na dagdagan pa ang presensya nila sa mga high-risk na lugar, kabilang ang mga tourist spots, pampublikong lugar at mataong komunidad sa rehiyon.

“Random checkpoints, rigorous foot, mobile, and beat patrols are now being intensified, especially in crime-prone zones to deter potential threats and allow for swift responses to any security incidents,” ani Masauding.

Binigyang-diin din ng PRO9 director ang agarang pangangailangan ng pagbabantay.

“We are not leaving anything to chance. Every officer must be fully prepared, and the public must remain vigilant. As we celebrate Zamboanga Hermosa Festival and as we enter this crucial phase in our democratic process, no tolerance will be given to any disruptions, disturbances, or threats,” pahayag niya.

“Maintaining peace and order is non-negotiable—anyone attempting to jeopardize the safety of this region or undermine the integrity of the elections will face the full force of the law,” dagdag pa niya.

Hinimok din ni Masauding ang publiko na maging aktibong katuwang ng pulisya sa pagbabantay sa komunidad sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad, gaano man ito kaliit, sa kanilang lugar o sa mga lansangan.

Maaaring ipadala ang mga impormasyon sa PRO9 hotline numbers 09175062000 / 09985986709.

“This is not just a police matter—it is a community responsibility. We are counting on the cooperation of every citizen to ensure a peaceful and orderly election period,” saad niya.

Sa nalalapit na halalan, ipinahayag ng PRO9 director na buo ang kanilang paninindigan na lumikha ng isang kapaligirang zero-tolerance sa anumang anyo ng karahasan o kaguluhan sa rehiyon, upang masiguro ang ligtas na kapaligiran kung saan malayang magagamit ng bawat botante ang kanilang karapatan nang walang takot.

Nitong nakaraang Martes, pinangunahan ni Masauding ang inspeksyon sa iba’t ibang Comelec filing centers sa Zamboanga City na ngayon ay lubos nang nababantayan ng lokal na puwersa ng pulisya.

Muling iginiit ng opisyal na pangunahing layunin nila ang mapanatili ang isang ligtas at payapang kapaligiran para sa mga politikong magsusumite ng kanilang COC para sa darating na 2025 midterm elections.

“The safety of both our candidates and the public is our top priority. We are fully committed to ensuring that the filing of candidacies proceeds without incident,” aniya.

Dagdag ni Masauding, may kabuuang 657 pulis ang nakatalaga sa 48 designated filing venues sa buong Zamboanga Peninsula.

Ang mga tauhan ay inatasang magbigay ng seguridad at tiyakin ang maayos na proseso ng paghahain ng COC, ayon sa opisyal.

Dagdag pa rito, may mga Red Teaming officers na naka-assign upang magsagawa ng surprise inspections sa mga deployment upang makapagbigay ng on-the-spot corrections at mentoring.