Calendar
Tingog Partylist mananatiling boses ng mga underrepresented, marginalized
SA kanilang pagsabak sa 2025 midterm elections, nangako ang Tingog Partylist na mananatiling boses ng mga underrepresented at marginalized sector ng lipunan.
Naghain na ng certificate of nomination and acceptance (CONA) ang Tingog Partylist sa pamamagitan ng abogado nito na si Atty. Al Bonghanoy kasama ang Chairperson ng partido at Presidential Management Staff (PMS) Undersecretary for Service Continuity Mark R. Gimenez, Secretary General Luningning B. Lariosa, at Director for Community Engagements, Karla Estrada.
“Our mission has always been to uplift the voices of those who are overlooked,” sabi ni Rep. Jude Acidre. “As we head into this election, we will continue to champion the rights and welfare of marginalized communities, ensuring that their concerns are prioritized in legislative discussions.”
Nakatuon umano ang atensyon ng Tingog Partylist sa paglikha ng isang inklusibong kinabukasan para sa mga Pilipino at magsusulong ng mga polisiya na nagtataguyod ng pantay na lipunan, lilikha ng oportunidad na pang-ekonomiya, at mas malakas na komunidad.
Determinado umano ang Tingog na makatrabaho ang mga Pilipino at pakinggan ang pangangailangan ng mga ito.
Sa kasalukuyan ang Tingog ay kinakatawan sa Kongreso nina Rep. Yedda Marie K. Romualdez at Acidre.
“Tingog Partylist stands as a beacon of hope for the underrepresented. Our commitment to social equity, community empowerment, and inclusive policies sets us apart. We believe that every Filipino deserves a voice in shaping our future, and through our proven track record of advocacy, Tingog will continue to fight for the rights and welfare of those who are often overlooked. Together, we can create meaningful change and a brighter future for all,” ani Rep. Romualdez.
“We invite all citizens to join us in this journey toward meaningful change,” sabi naman ni Rep. Acidre. “Together, we can amplify the voices of the underrepresented and create a more equitable society for everyone.”