Manguera Councilor Edith “Wowee” Manguerra

3-term councilor tatakbong mayor ng Pasay City

49 Views

KASUNOD ng panawagan ng pagbabago at tunay na serbisyo sa Pasay City, naghain ng kanyang certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec) si three-term Councilor Edith “Wowee” Manguerra upang opisyal na ianunsyo ang kanyang pagtakbo bilang alkalde ng lungsod.

Sa pagdedeklara ng kanyang kandidatura, sinabi ni Manguerra na ang pagsisilbi sa kapwa ay hindi lamang trabaho o tungkulin para sa kanya bagkus ay isa itong misyon.

“Likas po sa akin ang malasakit, at sa bawat pagkakataon na may kailangan ang ating mga kababayan, lagi akong handang tumugon. Ang bawat sulok ng Pasay ay tahanan ko, at ang bawat mamamayan dito ay aking pamilya. Kaya’t bilang Alkalde, nais kong ibuhos ang lahat ng aking lakas, kaalaman, at panahon para mapabuti ang buhay ng bawat isa sa inyo,” pahayag ni Manguerra.

Partikular na isusulong ni Manguerra ang pagkakaroon ng matatag na check and balance sa lokal na pamahalaan.

“Napakahalaga po na may sapat na check and balance sa bawat antas ng pamahalaan. Kailangan natin ng pamahalaang bukas, tapat, at may pananagutan—isang sistema kung saan walang abuso sa kapangyarihan at lahat ng desisyon ay para sa kapakanan ng mga mamamayan,” giit ni Manguerra.

Giniit ni Manguerra na ang kanyang pagtakbo bilang akalde ay dahil naniniwala siyang kayang-kayang itaas ang antas ng serbisyo para sa mga residente ng Pasay.

“With a focus on community development and enhanced public services, I am committed to implementing initiatives that will foster growth and elevate the quality of life for our residents,” paliwanag nito.

Habang papalapit ang eleksyon nanawagan si Manguerra sa buong lungsod na magkaisa at suportahan ang kandidato na tunay na may pangarap at kakayahang maglingkod.

Malaki umano ang ikauunlad ng Pasay City subalit una dapat dito ay piliin ang tamang lider.

Kasama na nag-file ni Manguerra ang kapatid niya na si Baby So na tatakbo bilang konsehal sa ilalim ng Aksyon Demokratiko party.