Martin PBBM AT SPEAKER ROMUALDEZ – Si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ay may video conference sa mga miyembro ng kanyang Gabinete Miyerkules habang lumalahok sa 44th and 45th ASEAN Summit sa Laos, upang makakuha ng update sa mga kilos ng mga ahensya para matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Middle East. Kasama niya si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. Photo mula sa PCO

Speaker Romualdez pinuri pangako ni PBBM na protektahan mga OFW sa gitna ng tension sa Middle East

43 Views

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa hindi natitinag na pangako nito na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino na nasa Middle East na apektado ng opensiba ng Israel laban sa Hezbollah na nasa Lebanon.

Kasama ni Pangulong Marcos si Speaker Romualdez nang mag-video conference ito sa mga miyembro ng kanyang Gabinete habang lumalahok sa ASEAN Summit sa Laos, upang makakuha ng update sa mga ginagawa ng mga ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Middle East.

“The President’s decision to prioritize the safety of our countrymen, even while attending the 44th and 45th ASEAN Summit in Laos, reflects his deep concern and dedication to every Filipino,” ani Speaker Romualdez.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Speaker Romualdez sa mga mamamahayag na ang video conference ay isang “urgent call to assess the situation.”

“There was growing tension in the Middle East and we have to secure our Filipinos there. We wanted to make the security arrangements and assure them that amidst the growing tensions, we secure our Filipinos in the region,” sabi pa ni Speaker Romualdez sa media.

Sa kanyang departure speech bago bumiyahe patungong Laos, tiniyak ni Pangulong Marcos na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang matiyak ang kaligtasan ng mahigit 40,000 Pilipino na nasa Lebanon at Israel, at maiuwi ang mga nais ng umuwi.

Ayon sa Pangulo, ang mga embahada ng Pilipinas ay nakikipagugnayan sa mga Filipino community sa lugar upang agad na maiayos ang mga kinakailangang papeles at ang biyahe ng mga nais umuwi sa bansa.

Sa inisyal na 1,500 na nagpahayag ng pagnanais na umuwi mula sa Lebanon, sinabi ng Pangulo na one-third ang nakauwi na at mayroon pang 500 na ipinoproseso na ang mga papeles.

Sinabi ng Pangulo na ngayong Oktubre, target ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na makapaguwi ng hindi bababa sa 162 overseas Filipino workers (OFW) mula sa Israel.

Inatasan ni Pangulong Marcos ang mga kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) at DMW at administrador ng OWWA na bigyan siya ng update sa sitwasyon araw-araw.

Nanawagan naman si Pangulong Marcos na huwag ng palalain pa ang tensyon at maghanap ng mapayapang solusyon sa hindi pagkakaintindihan.

“The Philippines will always stand for the principles of international law and the safety of Filipinos in the Philippines and overseas,” ani Pangulong Marcos.