BBM Sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kasama ang Filipino community sa Lao People’s Democratic Republic.

PBBM pinasalamatan, ipinagmalaki Filipino community sa Lao

Chona Yu Oct 9, 2024
44 Views

VIENTIANE— Isusulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang national interest ng Pilipinas sa 44th at 45th ASEAN Summit and Related Summits na ginaganap ngayon sa Lao People’s Democratic Republic.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa harap ng Filipino community, sinabi nito na itutulak din niya ang pagpapanatili sa peace at security sa rehiyon.

“We are here precisely to find ways to cooperate with partners that can meet the challenges to forge a better future,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“The world and our region are facing challenging times. From conflicts in Europe to the Middle East, to global existential threats such as climate change and natural and man-made disasters, to transnational crime and economic downturns – all these, in one way or another, affect the lives and livelihoods of peace-loving and hardworking people like yourselves,” dagdag ng Pangulo.

Kasabay nito, pinasalamatan din ni Pangulong Marcos ang mga Filipino sa Lao dahil sa pagiging nga ambassador para mapaganda ang reputasyon ng Pilipinas.

Sinaluduhan din ni Pangulong Marcos ang mga Filipino sa Lao dahil sa kontribusyon sa ekonomiya.

Nasa 2,000 ang Filipino sa Lao kung saan karamihan ay nagtatrabaho sa construction, hospitality industry at iba pa.

“We are so proud of all of you and all the things that you do and the ways that you project the Philippines,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pangako ni Pangulong Marcos, nakahanda ang gobyerno na tugunan ang pangangailangan ng mga Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.