Abay Ang mga masasayang alaala ni Lola Abay sa kanyang mga anak at mga apo noong nabubuhay pa.

Lola Avelina ‘Abay’ Reyes, 90

Jon-jon Reyes Oct 10, 2024
8 Views

MALUNGKOT po naming ipinapaalam sa mga kaibigan at kamag anak na pumanaw na Si Lola Avelina “Abay” Reyes a edad na 90 noong Oct. 6.

Kilala si Lola Abay bilang “vendor queen” sa Paco Market mula pa noong dekada 80 hanggang 2019.

Matulungin siya at tagapagtanggol ng mga inaaping vendor, mapagmahal na ina at lola, matapang sa mga pagsubok sa buhay, ipinaglalaban ang karapatan ng bawat vendor.

Siya ang ina ng dating chief photographer ng People’s Journal at Tonight na si Edong Reyes na yumao na noong 2021.

Mula pa noong dekada 70, palaging nagbabasa ng People’s Journal at People’s Tonight Si Lola Abay. Naging idolo din niya si dating Pangulong Ferdinand Marcos at First Lady Imelda Romualdez Marcos.

Naitaguyod ni Lola Abay ang kanyang mga anak at ilan sa mga apo sa pamamagitan ng pagtitinda sa palengke ng ilang dekada,

Kami po ay taos-pusong nakikiramay sa mga naulila ni Lola Abay na kapatid na si Bienvenida Cunanan, mga anak na sina Josie, Jocelyn, Rebecca at Teresa “Tesang,” mga manugang na sina Fely, Josephine at Papi, mga apo na sina Eva, Regina, Vivian & Luis, Benjie & Joy, Jon-Jon & Irma Reyes, Jennifer & Rosco, Jeff & Rosalie, Rica & Jill, Von-von & Anne, Jeffrey & Emily, Jason & Mylene, Judy & Ryan, Joan & Rachel, Raquel & Polo, Richard, Jonet, Jacqueline & Loloy at Joselito at mga apo sa tuhod na sina Grenz, Gesmyn, Gyvril, Gervick, KC, Alex, C.J, J.B, Joaquin, Irish, Maya, Von Carley, Von Oxford, Von Drexler, Raprap, Jillian, Gian, Floro, Totong, Toteng, Carlo, Dondon, Jiro Niño, Niña, Mickay, Gianna, Totchie, Charcoal, Ivo, at Puzzy.

Nakatakda ang cremation ni Lola Abay sa Oct. 15 sa Makati Crematorium Park.

Paalam at maligayang paglalakabay patungo sa ating Mahal na Panginoon Lola Abay. Maraming salamat po sa lahat.