Calendar
Julie Anne nag-sorry sa publiko dahil sa Dancing Queen sa simbahan
Naglabas ng public apology si Julie Anne San Jose at ang management niyang Sparkle Artist Centre kaugnay ng controversial church performance ng Asia’s Limitless Star sa Occidental Mindoro.
Nitong nakaraang October 6 ay nagkaroon ng fundraising concert si Julie Anne, kasama si Jessica Villarubin, na pinamagatang “Heavenly Harmony” concert.
Ginanap ito sa loob ng Nuestra Señora del Pilar Shrine and Parish sa Mamburao, Occidental Mindoro.
Lumabas ang video ng performance ni Julie Anne ng “Dancing Queen” sa nasabing event na kaagad nag-viral at umani ng katakot-takot na batikos.
Hindi nagustuhan ng netizens ang pagkanta ni Julie Anne ng masayang awitin sa harap mismo ng altar ng simbahan. Dapat daw kasi ay mga worship or religious songs ang kinanta ng singer/actress.
Binatikos din ang suot niyang gown na may mahabang slit na hindi raw bagay na kasuotan sa simbahan.
Kahapon (Oct. 10) ay humingi ng paumanhin si Julie Anne sa publiko na ipinost niya sa kanyang social media accounts.
Ayon sa Kapuso singer/actress, ang tanging hangarin niya ay makapagbigay ng saya at suporta sa nasabing benefit concert at hindi niya intensyong maka-offend o makapagdulot ng kalungkutan sa mga tao.
“I am offering my apologies. Even though my only intentions were to share joy and to give support to the church through the benefit concert, many have felt offended about the incident I was in and with my performance which caused distress. I truly, sincerely apologize. This is a lesson learned and it is assured that it will not be repeated,” bahagi ng apology letter ni Julie Anne sa Instagram Story.
“I am not perfect but please know that I have strong beliefs and my faith is unbreakable and cannot be shaken. I pray that we can all move forward with compassion in our hearts. Thank you,” pagtatapos ng dalaga.
Samantala, bago ito ay naglabas din ng official statement ang Sparkle at inako ng management ang buong responsibilidad sa nangyari.
Ayon sa Sparkle, sila ang nakipag-usap tungkol sa mga detalye sa organizers ng event at tinupad lang ni Julie Anne ang kanyang obligasyon.
Wala raw intensyon ang aktres/singer na bastusin ang simbahan at humingi sila ng dispensa sa mga taong na-offend, gayundin kay Julie Anne.