Calendar
Bilang ng pro-Marcos dumami pa; pro-Duterte bumagsak
LALO pang dumami ang bilang ng mga Pilipino na nagpapakilalang pro-Marcos.
Ayon sa OCTA Research na Tugon ng Masa survey, nasa 38 porsiyento ng adult Filipinos ang nagsabing sila ay pro-Marcos noong ikatlong quarter ng 2024. Mas mataas ito ng 2 percentage points kumpara sa 36 porsiyento na naitala noong ikalawang quarter.
Samantala, bumaba naman ang bilang ng mga pro-Duterte.
Nasa 15 percent na lamang ang nagsabing sila ay pro-Duterte noong ikatlong quarter. Mas mababa ito ng isang punto kumpara noong ikalawang quarter.
Karamihan sa mga nagsabing sila ay pro-Marcos ay mula sa Balanced Luzon, habang karamihan naman sa nagsabing sila ay pro-Duterte ay galing sa Mindanao.
Isinagawa ang survey noong Agosto 28 hanggang Setyembre 2, 2024, sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 na respondents.