Calendar
PCO nagdiwang ng ika-82 anibersaryo; tiniyak na lalabanan fake news sa PH
TINIYAK ng Presidential Communications Office (PCO) na patuloy na lalabanan ang fake news sa bansa.
Pahayag ito ng PCO kasabay ng pagdiriwang ng ika-82 anibersaryo ng ahensya.
Sabi ng PCO, magbibigay ang kanilang hanay ng tama at napapanahong impormasyon sa publiko sa gitna ng patuloy na pagkalat fake news.
Ang PCO ang nagsisilbing communication arm ng gobyerno.
“Our commitment remains steadfast to provide accurate, timely, and relevant information that empowers the filipino citizen,” pahayag pa PCO.
Hinikayat din ng PCO ang publiko na magbigay ng tamang impormasyon sa komunidad para labanan and disinformation at sumulong para sa mas magandang buhay para sa mga Filipino.
“Together, let’s foster an informed community that stands against information and strives for a brighter future for the Filipino people,” sinabi pa ng PCO.
Nauna nang iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang puwang ang fake news sa Pilipinas.