PNP

Pag-iimbestiga sa napatay sa drug war ni Duterte, suportado ng Malakanyang

Chona Yu Oct 16, 2024
45 Views

SUPORTADO ng Palasyo ng Malakanyang ang balak ng Philippine National Police (PNP) na imbestigahang muli ang mga napatay na malalaking personalidad o ang high profile cases sa anti-drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, patunay ito na binibigyan halaga ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang patas na hustisya.

“Of course,” pahayag ni Bersamin sa tanong kung suportado nito ang PNP.

“The reopening of the investigations of the high killings related to the war on drugs should indicate that the Marcos administration places the highest importance on the fair dispensation of justice and on the universal observance of the rule of law in the country” dagdag ni Bersamin.

Kabilang sa mga napatay sa drug war campaign ni Duterte sina Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog, Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Tanauan Mayor Antonio Halili at iba pa.