Calendar
Banta ni VP Sara na hukayin labi ni Marcos Sr. kinondena
MARIING kinondena ng mga lider ng “Young Guns” sa Mababang Kapulungan ng Kongreso nitong Biyernes si Vice President Sara Duterte dahil sa kanyang matinding banta na lapastanganin ang labi ng yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.
Ayon sa kanila, ginagamit ito ni Duterte bilang desperadong paraan para ilihis ang atensyon mula sa mga eskandalong kanyang kinakaharap ngayon.
“Bastos at desperada,” ang paglalarawan nina House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ng unang distrito ng Lanao del Sur at 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez kay Duterte.
Kinondena ng mga mambabatas ang mga pahayag ni Duterte bilang isang kahiya-hiyang taktika, at tinawag itong isang “desperado at walang galang” na pagtatangka para ilihis ang atensyon mula sa mga tunay na isyu.
“Threatening to desecrate the dead just to shift the narrative is utterly unacceptable,” dagdag ni Adiong. “The Vice President must answer the allegations against her, not stoop to such shameful actions.”
Kinondena ni Adiong ang mga komento ni Duterte bilang “new low in public discourse” at “direct attack on our cultural values.”
“This isn’t just political banter—it’s a blatant act of desecration. In our culture, we honor the dead. To use them as pawns in a political game is disgusting,” ani Adiong. “Vice President Duterte should focus on addressing the misuse of public funds instead of resorting to such disgraceful tactics.”
Ipinahayag naman ni Gutierrez ang kanyang galit at sinabing ang mga aksyon ni Duterte ay malinaw na nagpapakita ng kanyang kawalan ng pagpipilian.
“This is pure desperation. Instead of facing the allegations head-on, VP Duterte resorts to vile threats,” diin ni Gutierrez. “It’s a clear attempt to divert attention, but no amount of disrespect will cover up her mismanagement.”
Ang pagkondena ng mga mambabatas ay kasunod ng nakakagulat na pahayag ni Duterte kay Senador Imee Marcos na itatapon niya umano ang mga labi ng yumaong pangulo sa West Philippine Sea.
Ang komento ay lumabas sa gitna ng tumitinding pagsisiyasat sa paghawak ni Duterte ng mga pampublikong pondo, kapwa sa Office of the Vice President (OVP) at sa Department of Education (DepEd), kung saan nagsilbi siya bilang Kalihim sa loob ng dalawang taon hanggang sa kanyang pagbibitiw noong Hulyo ng taong ito.
Sa kabila ng bigat ng mga alegasyon, patuloy na tumatanggi si Duterte na dumalo sa mga pagdinig sa kongreso upang linisin ang kanyang pangalan at sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya.
Nahaharap si Duterte sa iba’t ibang alegasyon ng maling paggamit ng confidential at intelligence funds, kung saan kinukuwestyon ng mga kritiko ang kakulangan ng transparency at accountability sa alokasyon at paggastos ng mga pondong ito.
Isang imbestigasyon sa kongreso ang patuloy na isinasagawa kung saan nakatuon sa mga paratang ang maling paggamit ng pondo ng DepEd para sa mga kahina-hinalang programa, habang masusing sinusuri rin ang mga gastusin ng OVP.
Ang mga hindi pa nalulutas na isyung ito ay nagpatindi ng panawagan ng publiko at mga mambabatas na panagutin si Duterte sa sinasabing maling paggamit ng pondo ng gobyerno, na higit pang nagpapalakas ng hinala na ang kanyang mga maiinit na pahayag ay isang pagtatangka upang ilihis ang atensyon mula sa mga lumalaking kontrobersiya.