FL Marcos

PBBM, FL Liza Marcos dadalo sa inagurasyon nina Indonesian President Subianto, VP Raka

Chona Yu Oct 19, 2024
9 Views

BIYAHENG Indonesia sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos.

Ito ay para dumalo sa inagurasyon nina Indonesian President-elect Prabowo Subianto and Vice President-elect Gibran Rakabuming Raka ngayong araw, Oktubre 20.

Dadalo ang mag-asawang Marcos base na rin sa imbitasyon ni Indonesian President Joko Widodo.

Ipinagdiriwang ngayong taon ng Pilipinas at Indonesia ang ika-75 anibersaryo ng formal diplomatic relations.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang pagdalo ng mag-asawang Marcos ay patunay na malalim ang pagkakaibigan ng dalawang bansa na naka-angkla sa close people-to-people ties.