House Deputy Majority Leader Jude Acidre

Hamon kay VP Sara: Ipaliwanag ‘under oath’ paggamit ng confi fund

136 Views
Paolo Ortega
House Assistant Majority Leader Paolo Ortega

Sobrang mahal na renta ng safe houses

HINAMON ng mga pinuno ng Kamara de Representantes si Vice President Sara Duterte na tigilan na ang pag-iwas umano at magpaliwanag “under oath” kung saan nito ginastos ang milyun-milyong confidential funds, kabilang ang P15 milyong pondo na ginamitan ng sertipikasyon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kahit diumano’y wala namang ibinigay na pondo sa kanila.

Noong Setyembre 18, humarap si Duterte sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability subalit tumanggi itong manumpa na magsasabi ng katotohanan kaugnay ng kinukuwestyong paggamit nito ng daang milyong halaga ng confidential funds.

Ito ay taliwas sa ginagawa ng mga iniimbitahan ng Kongreso. Matatandaan na kahit ang mga dating Pangulo na sina Joseph Estrada, yumaong Fidel Ramos at yumaong Benigno “Noynoy” Aquino III ay nanumpa na magsasabi ng totoo nang humarap sa congressional investigation.

Sa pinakahuling pagdinig ng committee on good government ay lumabas na ginamit umano ng Department of Education (DepEd), noong pinamumunuan pa ito ni Duterte, ang sertipikasyon mula sa AFP upang patunayan ang paggastos ng P15 milyong halaga ng confidential funds.

Pero ayon sa mga opisyal ng AFP na humarap sa pagdinig, wala silang natanggap na pondo mula sa DepEd para sa pagsasagawa ng Youth Leadership Summits (YLS). Ang AFP at mga lokal na pamahalaan umano ang gumastos sa aktibidad na ito.

Ikinaalarma nina House Deputy Majority Leader Jude Acidre at House Assistant Majority Leader Paolo Ortega ang impormasyong ito na lumabas sa pagdinig.

“This is a clear misuse of public funds. The Vice President claimed her office spent millions on activities already fully funded by the military. Why lie about where the money went? We need to know what the OVP did with these funds,” ayon kay Acidre.

Binanggit din ni Acidre na ang paggamit ni Duterte ng mga sertipikasyon mula sa AFP bilang batayan ng ginawa nitong paggastos ay nagbigay umano ng maling impormasyon sa mga auditor ng Commission on Audit (COA) at sa publiko.

“This is not just about accounting errors; this is deception. Using the military to cover up the improper use of confidential funds is an egregious act,” saad pa ni Acidre.

Bukod pa rito, siniyasat din ng komite ang paggastos ng Office of the Vice President (OVP) ng P16 milyon para sa renta ng mga safe houses sa loob lamang ng 11 araw noong 2022.

Bagama’t nagpatawag ng press conference noong Biyernes, hindi naman ipinaliwanag ni Duterte ang kinukuwestyong paggastos ng confidential funds ng kanyang tanggapan.

“We are still waiting for the Vice President to explain the need for 34 safe houses in less than two weeks. The public has a right to know why P16 million of their money was spent so dubiously,” ayon kay Ortega.

Ipinunto ni Ortega na ang hindi pagbigay umano ni Duterte ng malinaw na mga sagot tungkol sa mga safe house at ang kahina-hinalang paggamit ng mga aktibidad ng AFP bilang pangtakip diumano ay lalong nagpapa-init sa tanong kung sana napunta ang pondo.

Binigyan-diin ng mambabatas ang kahalagahan na humarap si Duterte sa pagdinig, manumpa na magsasabi ng totoo at ihayag kung papaano nito ginastos ang pondo.

“If there’s nothing to hide, she should testify under oath. This is public money, and the Filipino people deserve transparency and accountability. No more evasions, no more squid tactics,” giit pa ni Ortega.

Sinabi naman ni House Assistant Majority Leader at Nueva Ecija Rep. Mika Suansing, “The ongoing investigations regarding the alleged misuse of OVP and DepEd funds under Vice President Duterte puts the Vice President’s leadership into question. Particularly concerning are the OVP disbursements, which the Commission on Audit has disallowed, and the alleged delivery of spoiled milk and nutribuns to public schools.”

Dismayado rin sina Acidre at Suansing sa mga pahayag ng Bise Presidente sa publiko na nagmungkahing ituon na lamang ang pansin sa mga suliraning kinakaharap ng bansa sa halip na makialam sa politikang nagdudulot ng pagkakahati.

“Unfortunately, Vice President Sara Duterte continues to engage in politicking at a time when the nation demands unity and decisive action,” ayon kay Acidre. “Instead of addressing these legitimate concerns through appropriate and respectful channels, she dismissed them as political attacks. Such an approach sow division and distracts us from what matters — the urgent challenges our people face.”

“We implore the Vice President to instead focus on working with all of us for the welfare of the Filipino people,” saad naman ni Suansing.

Pinuri naman ni Acidre si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pamumuno sa bansa sa kabila ng mga hamong minana mula sa mga nakaraang administrasyon, at sa pagtuon ng atensyon nito sa paghahanap ng solusyon sa halip na manisi.

“The problems we face are not new, yet President Marcos has refrained from pointing fingers at past leaders. Instead, he has shown leadership by focusing on solutions that benefit our people,” sabi pa ni Acidre. “The Vice President has a unique opportunity to contribute meaningfully to this national effort, yet her recent actions have become more of a distraction than a help.”

Hinihikayat niya ang Bise Presidente na isantabi ang alitang politikal at makilahok sa mga hakbang na tunay na makapagpapabuti sa kalagayan ng mga Pilipino.

“If she truly believes she can offer better leadership, then the path forward is clear: focus on delivering concrete results instead of fostering discord. The Filipino people expect leaders who build bridges, not walls — those who pursue durable solutions over fleeting political gain,” ayon kay Acidre.

Pinaalalahanan din ng mambabatas ang lahat ng mga public official, kasama na ang Bise Presidente, tungkol sa kanilang sama-samang tungkulin na magsilbi para sa kapakanan ng publiko.

“Our challenges demand collaboration, unity, and an unrelenting focus on the common good. It is time for all of us to rise above politics and work together for nation-building. Our people deserve no less,” pagdidiin pa ni Acidre.

Noong Huwebes, apat na opisyal ng militar — sina retired Maj. Gen. Adonis Bajao, Lt. Col. Carlos Sangdaan Jr., at mga Colonel na sina Manaros Boransing at Magtangol Panopio — ang humarap sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability at nagsabi na wala silang natanggap na pondo mula sa confidential funds ng DepEd para sa pagsasagawa ng Youth Leadership Summits (YLS).

Ang ibinigay umanong sertipikasyon ng AFP sa DepEd ay upang patunayan na may idinaos na YLS noong 2023.

Pero ginamit umano ni Duterte ang sertipikasyon upang patunayan na gumastos ito ng P15 milyon sa ibinigay na reward sa mga impormante.

Nabigla rin ang mga mambabatas sa paggamit ng OVP ng P16 milyon mula sa confidential funds para sa renta ng 34 na safe house sa loob lamang ng 11 araw noong huling bahagi ng 2022.

Ang presyo ng upa sa bawat safe house ay nagkakahalaga ng P250,000 hanggang P1 milyon. Ang bayad ay para sa upa mula Disyembre 21 hanggang 31, 2022.

Nakasaad sa isang acknowledgement receipt na nagkakahalaga ng P1 milyon ang renta sa safe house sa loob ng 11 araw o halos P91,000 kada araw ang bayad, talo pa umano ang marangyang resort tulad ng Shangri-La Boracay.

Sa ilalim ng pamamahala ni Duterte, gumastos ang OVP ng P16 milyon sa upa ng mga safe house sa loob ng 53 araw sa unang quarter ng 2023; P16 milyon para sa upa ng mga safe house sa loob ng 67 araw sa ikalawang quarter ng 2023; at P5 milyon para sa upa ng mga safe house sa loob ng 79 araw sa ikatlong quarter ng 2023.

Ang mga natuklasang impormasyon ng House committee on good government and public accountability ay batay sa mga isinumiteng dokumento ng OVP sa COA.