sharon

Libo-libong sharonian ibabasura si Leni Robredo

Nelo Javier Apr 1, 2022
367 Views

LIBO-LIBONG Sharonians ang nagpaplano na ngayong i-boycott at ibasura ang kandidatura ni Leni Robredo matapos harapan nitong bastusin ang running-mate na si Kiko Pangilinan na asawa ng pinakamamahal nilang megastar Sharon Cuneta.

“Kaya lang naman kami nag-Leni kasi dahil kay Sharon. Tapos ngayon, aapihin pa niya si Sir Kiko,” sabi ng isang Sharonian.

Aniya, kung mahilig ang kampon ng dilawan ng tinatawag na ‘cancel culture,’ tanggapin din ni Robredo na ma-cancel siya sa libo-libong tagasuporta ni Sharon.

“Ekis siya ngayon. Kanya na iyang pink niya dahil alam naman namin na hindi siya pink kundi dilaw na dilaw siya. Niloloko na niya ang taumbayan, pati si Kiko Pangilinan ay harap-harapan din niyang niloloko,” sabi naman ni Aling Stella, isang manikurista, ngunit tatlong dekada na ring tagahanga ni Cuneta.

Kung matatandaan, walang ginawang aksyon si Robredo para ipaliwanag sa ilang grupo, partikular na ang mga local officials sa Eastern Samar na hindi niya kailangang ilaglag si Pangilinan para lamang itambal sa ibang kandidato tulad ni Inday Sara Duterte.

“Panay atake niya kay President Duterte tapos ngayon payag siyang maka-tandem si Sara kahit masaktan pa si Kiko,” sabi ni Bruno na isang make up artist.

Ramdam ng mga Sharonian na masakit ito para sa kanilang idol na si Sharon lalo noong magdesisyon at pumayag ito na tumakbo si Pangilinan bilang running-mate ni Robredo ay batid nitong magagalit ang pamilya ni Senate President Tito Sotto.

Si Sharon ay anak-anakan ng tiyahing si Helen Gamboa, misis ni Tito Sen.

Katunayan, sa tuwing may tampuhan ang mag-asawang Kiko at Sharon ay sa bahay nila ni Tito Sen umuuwi ang megastar para maglabas ng sama ng loob.

“Tapos ngayon ipinagpalit si Leni sa pamilya nina Tito Sen ay pagtataksilan naman pa ng Lenlen na iyan,” sabi ni Aling Flor.

Isang viber group na ng mga Sharonian ang binubuo ngayon para pag-usapan kung paano sila mangangampanya laban kay Robredo.

“Hindi lang boycott kundi ipaaalam namin sa taumbayan na wala siyang karapatang manalo ngayong eleksiyon,” sabi naman ni Danny na isang supporter din ng megastar.