Mag-asawang money lender patay sa holdap

Zaida Delos Reyes Oct 21, 2024
11 Views

PATAY ang mag-asawang money lender matapos na holdapin at pagbabarilin ng dalawang suspects na lulan ng isang motorsiklo sa Barangay Pagagawan, Montawal, Maguindanao del Sur.

Nakilala ang mga biktima na sina Soliven Salakob at Sempak Abas Salakob, pawang mga residente ng Barangay Fort Pikit, Pikit, North Cotabato.

Magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima galing sa paniningil ng pautang sa bayan ng Kabacan at pauwi na sana sa kanilang bahay nang tambangan ang mga ito ng mga suspects.

Hinablot ng mga suspects ang bag ng ginang na naglalaman ng mga nakulektang pautang subalit nanlaban ito dahilan upang sila ay pagbabarilin.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspects at iniwang duguan ang mag-asawa.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.