Duterte

Duterte masama daw ang pakiramdam kaya di makakadalo sa Quad Comm hearing

49 Views

HINDI sisiputin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdinig ng House quad committee sa Martes, Oktobre 22.

Sumulat ang abugado ni Duterte na si Atty. Martin Delgra III sa komite noong Lunes, Oktobre 21 upang ipaalam ang hindi pagdalo ng dating Pangulo.

Iniimbestigahan ng House quad committee ang koneksyon ng iligal na POGO sa kalakalan ng iligal na droga at extrajudicial killings kasama na ang umano’y reward system para sa mga pulis na nakakapatay ng drug suspects noong pamumuno ni Duterte.

“Unfortunately, despite his keen intention to attend, my client respectfully manifests that he cannot attend the public hearing set on 22 October 2024,” sabi sa sulat.

“Aside from short notice given him, my client just arrived in Davao from Metro Manila last 17 October 2024. Considering his advanced age and the several engagements he had to attend, he is currently not feeling well and is in need of much rent,” sabi pa sa sulat.

Ayon pa sa sulat maaari umanong makadalo sa pagdinig si Duterte kung isasagawa ito pagkatapos na ng Araw ng mga Patay.

Nauna rito, sinabi ni Duterte na siya ay dadalo sa pagdinig kung iimbitahan ng House quad committee.

Ilang buwan na ang nakakaraan ng unang magpadala ng imbitasyon ang komite kay Duterte subalit hindi ito dumalo.