Sangkatutak na boga, shotgun, explosives narekober sa Laguna

Gil Aman Oct 22, 2024
12 Views

NAREKOVER ng 1st Laguna Provincial Mobile Force Company ang mga ibinaon na mga baril, improvised shotgun, mga bala at pampasabog sa operasyon sa Brgy. Palma, Alaminos, Laguna noong Lunes.

Pinangunahan ni P/Capt. Felomino Soriano Jr. ang operasyon sa ilalim ng puno ng bulak sa naturang barangay.

Nakuha ang mga devices dakong alas-8:30 ng umaga isagawa ang pagjuhukay kung saan nahukay ang hindi mabilang na baril, bala at pampasabog.

Nahukay din ang isang sako ng homemade improvised shotgun, 25 piraso ng 5.56 live ammunition, tatlong 12-gauge shotgun buckshot ammunition, live ammunition ng 40mm (M203), isang non-electric blasting cap commercial, 1.5-m ng time fuse, isang detonating cord commercial, isang litrong gasolina, isang litro ng diesel at 12 grenade fuse assembly.