RPMD

Top performing representatives survey pinangunahan ni Speaker Romualdez at Rep. Frasco

Mar Rodriguez Oct 24, 2024
13 Views

RPMD1RPMD2RPMD3RPMD4LUMABAS sa pinakahuling resulta ng isinagawang survey na “top performing” ang liderato ng Kamara de Representantes bunsod ng magandang performance na ipinapakita nito sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez kung saan kabilang sa mga “top performing” bilang kongresista ay si House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Rep. Vincent Franco “Duke” D. Frasco.

Nagsagawa ang Republic of the Philippines Mission and Development (RPMD) Foundation Inc. ng pinakahuli nitong nationwide, independent at non-commissioned survey sa pamamagitan ng “Boses ng Bayan” upang magkaroon ng evaluation sa job performance ng lahat ng mga miyembro ng Kamara de Representantes.

Ang pinagbasehan ng naturang survey na isang “comprehensive assesment” ay ang legislative representation, legislative performance at kasama na dito ang kalidad ng paglilingkod ng mga kongresista sa kanilang constituents (constituent service) kung saan kinuha ang resulta ng survey mula sa direktang tugon o feedback ng kanilang mga constituents.

Sa ginawang survey ng RPMD Foundation Inc. sa second quarter ngayong taon, ang mga “top performing representatives” ay pinangunahan ni Speaker Romualdez na nakakuha ng 93.78% na sinundan ni House Senior Majority Leader at Ilocos Norte 1st Dist. Rep. Sandro Araneta Marcos na nakakuha ng 93.25% at si House Deputy Speaker at Ilocos 2nd Dist. Rep. Kristine Singson-Meehan na nakakuha ng 92.83%.

Hindi naman magpapahuli ang Kinatawan ng Ika-limang Distrito ng Cebu na si Cong. Frasco na nakakuha ng 91.52%. Ito ang resulta ng walang humpay at tuloy-tuloy na paglilingkod ng kongresista sa kanilang lalawigan sa pamamagitan ng mga isinusulong nitong programa partikular na ang mga livelihood programs para sa mga mahihirap na mamamayan ng Cebu.

Ayon kay Frasco, ipinagpapasalamat nito ang naging resulta ng survey ng RPMD na isang malinaw na katibayan na totohanan ang kanilang paglilingkod para sa kanilang mga kababayan. Kabilang na ang kasamahan nitong mambabatas na nakasama sa hanay ng mga top performing representatives.

Dahil dito, tiniyak ng House Deputy Speaker na lalo pa nitong pagbubutihin ang kaniyang paglilingkod. Nagsisilbi aniyang inspirasyon ang naging resulta ng RPMD survey para lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang pagse-serbisyo.