Terorista

Wesmincom: 5 terorista dedo sa engkwentro

Zaida Delos Reyes Oct 24, 2024
10 Views

LIMANG terorista ang nasawi at isa ang naaresto sa pakikipagbakbakan sa pwersa ng pulis at militar nitong Miyerkules sa Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte.

Ito ang kinumpirma ni Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Lt. General William Gonzales.

Isa sa mga nasawi si Uya Dama, m nahaharap sa kasong multiple murder, multiple frustrated , murder, extortion, arson, kidnapping at paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Sa inisyal na ulat, nagtungo ang pwersa ng militar at pulis sa lugar upang hainan ng warrant of arrest ang suspect subalit pumalag ito dahilan upang magkaroon ng palitan ng putok.

Patay sa engkwentro si Dama at apat pa nitong kasamahan habang arestado naman ang isa pa.

Na-recover sa lugar ngbakbakan ang tatlong M16 rifles, tatlong grand rifles, dalawang 45-caliber nab aril at dalawang granada.