Calabarzon1 Source: FB

PBBM inalam lawak ng epekto ng bagyong Kristine sa Calabarzon

Chona Yu Oct 25, 2024
78 Views

PERSONAL na inalam ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lawak ng epekto ng bagyong Kristine sa Calabarzon o Region 4A.

Ito ay matapos magsagawa ng aerial inspection ang Pangulo saa bahagi ng Batangas, Cavite at maging sa Pasig.

Kasama ni Pangulong Marcos sina Interior and Local Government Secretary Gilbert Remulla at Public Works and Highways Secretary manuel Bonoan.

Nais kasi ni Pangulong Marcos na malaman kung ano ang magiging diskarte ng gobyerno para mabilis na maipaabot ang tulong ng gobyerno sa mga nasalanta ng bagyo.

Kasabay nito, hinimok ni Pangulong Marcos ang local government units na mag-step up sa pagresponde sa mga biktima ng bagyo lalo’t sila ang frontliners.

Pinaghahanda rin ni Pangulong Marcos ang mga opisyal ng gobyerno sa posibilidad na bumalik ng bansa ang bagyong Kristine pati na ang bagong low pressure area na nasa Mindanao na posibleng maging bagyo.