Indian Photo: Bureau of Immigration

Naarestong 35 Indonesians ng BI na-deport na

Edd Reyes Oct 25, 2024
56 Views

KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na naideport na noong Martes ang 35 Indonesians na inaresto dahil sa pagtatrabaho sa isang ilegal na online gaming hub sa Cebu.

Binubuo ang mga deportees ng siyam na babae at 26 na lalaki na sumakay sa mga outbound flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Oktubre 22.

Ang mga indibidwal, na halos nasa edad 20 at 30, nahuli sa raid na isinagawa noong Agosto 31 sa mga illegal online gambling at scamming operations sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ang raid, na humantong sa pag-aresto sa higit sa 100 dayuhan, kabilang ang mga Indonesian, isinagawa ng BI sa pakikipag-ugnayan sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), National Bureau of Investigation (NBI), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) at ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Nadiskubre sa raid ng mga awtoridad ang daan-daang foreign nationals na sangkot sa illegal online gaming operations sa loob ng isang resort sa Brgy. Agus.

Natagpuan ang mga makeshift workstation sa loob ng resort na lihim na ginamit para sa mga ilegal na aktibidad.

Ang 35 Indonesian kasama sa blacklist ng BI bilang resulta ng kanilang deportasyon.