BBM

Bilang ng mahihirap na pamilya nabawasan sa tulong ng Food Stamp program

Chona Yu Oct 30, 2024
18 Views

NABAWASAN na ang bilang ng pamilyang mahirap ngayong taon.

Sa sectoral meeting sa Malakanyang, iniulat ni Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, ito ay matapos ipatupad ng pamahalaan ang Food Stamp program noong nakaraang taon.

Mula sa isang milyon, nasa 700,000 na pamilya na lamang ang mahirap.

Sinabi naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patuloy na pinagsusumikapan ng pamahalaan na matugunan ang food poverty sa bansa.

“We are doing a better job of feeding people who need it,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sinabi ni Gatchalian na ang naturang bilang ay mula sa Philippine Statistics Authority.

“When we designed this (FSP), it was at one million. So, dahil bumaba na po siya we have leg room doon sa area na ‘yun,” pahayag ni Gatchalian.

Binuo ang FSP sa pamamagitan ng Executive Order No. 44, s. 2023 bilang flagship program ng national government para tugunan ang involuntary hunger sa bansa.

Palalawakin pa ito ng DSWD sa taong 2025 kung saan 300,000 pamilya ang madadagdag na benepisyaryo at dadagdagan ng 400,000 saa taong 2026 sa 10 rehiyon at 22 probinsya.