Just In

Calendar

November 2024
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
Santiago Iniharap ni NBI Director Jaime Santiago ang mga nahuling Chinese nationals matapos magsagawa ng entrapment sa Paranaque City. Kuha ni JONJON C. REYES

NBI-CCD inaresto 18 Tsinong scamming suspek

Jon-jon Reyes Oct 31, 2024
14 Views

INARESTO ng mga National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD) agents ang 18 Chinese nationals, kabilang ang isang nagtangkang manuhol, na sangkot sa scamming operations noong Miyerkules.

Sa intel report ng NBI, hindi bababa sa apat na condominium unit sa Casiana Residences sa Parañaque City ang ginagamit bilang scam hub ng isang sindikato ng mga dayuhang mamamayan.

Kinilala ang mga nahuli na sina Zhao Jianjun, Huang Cheng Chi, Huang Bi Ying, Li Hui Juan, Lengxin Yu, Liu Xing Rong, Chen Zihao, Zhou You Liang, Chen Xing, Chen, Qing Gang, Huang Zhixon, Riu Chen, Mao Jing Hang, Liu Xuan, Wu Wang, Wen Bin, Yan Xiao Hong at Yang Yun.

Naglalaman ng maraming workstation ang scam hubs na involved sa iba’t-ibang mapanlinlang na aktibidad, kabilang ang pagnanakaw ng impormasyon ng bank account, mga scheme ng mapanlinlang na pamumuhunan, mga scam sa cryptocurrency, at mga operasyong ilegal na pagsusugal.

Dahil dito, nakipag-ugnayan sa mga pulis ang mga operatiba ng CCD at sumugod na sa lugar upang ihatid ang Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD).

Dito na natuklasan ang nasabing mga mamamayan na aktibong nakikipag-ugnayan sa kanilang mga desktop computer, kung saan natagpuan ang iba’t ibang mga script at daloy ng komunikasyon na nagpapahiwatig ng isang sophisticated scam at iba pang mapanlinlang na operasyon.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, inalok ng P300,000 suhol ang mga agents ng NBI habang bumabyahe ang mga suspek na naaresto sa scam hub sa Parañaque.

“Tatawag daw siya ng abogado, so pinayagan siyang tumawag. It turned out na ang tinatawagan niya ‘yung mas bossing pa nila at ‘yun nga nag o-offer na ma-release itong 17 tao sa halagang P300,000 each,” sabi ni Santiago.

Dahil dito, sinabi ni Santiago na magsagawa ang NBI ng entrapment operation at nagkunwaring pumapayag sa deal ng supervisor kung saan nagdala ng P1.5 milyon para sa unang batch.

Sa entrapment, minatyagan ang gamit na sasakyan upang makuha ang suspek at pinayagan din itong makapasok ng compound ng NBI kung saan nagkaroon ng maayos na entrapment at naaresto ang supervisor.

Sinabi ni Santiago na lahat ng 18 foreigners, kabilang ang supervisor, sumailalim na sa inquest.