Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez

House Quad Comm iginiit: Biktima ng Duterte drug war dapat mabigyan ng hustisya

17 Views

SA paggunita ng All Souls’ Day sa bansa, muling iginiit ng quad committee ng Kamara de Representantes ang pangangailangan na mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) sa pagpapatupad ng war on drugs campaign ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“As we remember our departed loved ones on All Souls’ Day, we are reminded of the countless Filipino families who grieve the loss of loved ones taken too soon. Our commitment to justice is unwavering,” ani Laguna Rep. Dan Fernandez, co-chair ng quad comm at chairman ng House committee on public order and safety.

“Our task is to ensure that these stories are neither silenced nor forgotten,” giit ni Fernandez.

Bukod sa House committee public order and safety, kasama sa quad comm ang House committees on dangerous drugs, human rights at public accounts.

Mandato nito na imbestigahan ang mga EJK, kalakalan ng iligal na droga, operasyon ng iligal na mga Philippine offshore gaming operator (POGO) at paglabag sa karapatang pantao sa pagpapatupad ng Duterte drug war.

Batay sa datos ng gobyerno, mahigit 6,000 ang namatay sa operasyon ng mga pulis mula 2016 hanggang 2021, pero malayo ito sa mahigit 27,000 hanggang 30,000 na mga kaso ng EJK, ayon sa mga human rights advocates at organization.

Sa pagdinig ng quad comm, kinumpirma ni retired P/Col. Royina Garma na mayroong natatanggap na reward ang mga pulis sa mga napapatay nilang drug suspek na nagkakahalaga ng P20,000 hanggang P1 milyon.

Kinumpirma rin nito ang Davao Death Squad (DDS), isang organisasyon na nasa likod umano ng mga pagpatay sa mga drug suspek na nag-operate noong si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang alkalde ng lungsod.

Sa testimonya naman ni dating Sen. Leila de Lima, ang reward system sa Davao City ay ipinatupad ni Duterte sa buong bansa noong ito ay maging pangulo. Ito umano ang dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao at EJK.

“The findings so far illustrate a deeply troubling trend where violence was incentivized, and accountability was ignored,” sabi ni Fernandez. “The evidence underscores the urgent need for justice, not only for the victims but for the integrity of our legal and law enforcement systems.”

“The road to justice may be challenging, but the Quad Comm remains resolute in its duty. Our work is far from over, and we will not rest until we have brought the truth to light,” saad pa nito.

“This is about more than just accountability — it is about restoring faith in our institutions and ensuring that no Filipino, regardless of their social or economic status, is ever denied justice,” dagdag pa ni Fernandez.