Binatang nabagsakan ng puno naaagnas na natagpuan

Gil Aman Nov 3, 2024
35 Views

NAAAGNAS na ang bangkay ng binatang magsasaka na natagpuan noong Sabado sa kubo matapos mabagsakan ng malaking puno habang humahagupit ang bagyong Kristine sa Almario Mountain sa Brgy. Bautista, San Pablo City, Laguna.

Sa ulat ni PLt. Col. Franco Alex Reglos, San Pablo City police chief, binata at residente ng Purok 6, Brgy. Bautista ang biktima na si Jaime April.

Nadiskubre ni Gabriel Dulim Aloy ang bangkay ng biktima ng umalingasaw ang masangsang na amoy mula sa kubo ng biktima.

Agad ipinag-bigay alam ni Brgy. Chairman John Daryl Yoyongco ang insidente sa San Pablo Police at nirespondehan ni P/Major Reymond Austria ang lugar kasama ang ibang imbestigador.

Dakong alas-12:00 ng tanghali ng mangamoy ang biktima na naiipit ng bumagsak ang puno at hindi na nakaligtas dahil nag-iisang namumuhay sa kubo.